
Opisyal nang bumalik sa pag-arte si Kapuso hunk Rodjun Cruz sa much-awaited fantasy romance anthology na handog ng GMA Public Affairs, ang My Fantastic Pag-ibig.
Tampok si Rodjun sa first installment nito, ang “Love Wars,” at mapapanood na ito bukas, January 30.
Sa two-part weekly series, gaganap ang aktor bilang ang master cupid na mag-uutos sa alagad niyang kupido na buwagin ang tagumpay ng isang dating app. Wala raw maidudulot na mabuti ang paggamit nito at ito rin ang itinuturo niyang dahilan ng pagkaunti ng mga taong naniniwala sa tunay na pag-ibig, na aniya ay mitsa ng hindi magandang kinabukasan para sa kanilang mga kupido at kanilang sagradong tahanan.
Bukod kay Rodjun, pagbibidahan din ito ng StarStruck graduates na sina Kim De Leon, na gaganap bilang si Milos/Pido, ang kupidong inutusan niyang magpanggap na tao, at Lexi Gonzales, na tampok naman sa karakter ng developer ng dating app na nais niyang buwagin, ang “MatchMaker.”
Mula sa direksyon ni Michael Christian Cardoz, kasama rin sa cast ng fantasy romance series sina Divine Aucina, Maey Bautista at Mike Liwag.
Source: My Fantastic Pag-ibig Facebook page
Abangan ang fantasy romance series na handa nang maghatid ng magic, saya, at kilig sa inyo simula bukas, January 30, 7:30 pm - 8:20 pm sa GMA News TV.
Kilalanin ang cast ng My Fantastic Pag-ibig sa gallery na ito:
Samantala, nag-guest si Rodjun ngayong araw, January 29, sa morning talk show na Unang Hirit at ibinahagi niya sa hosts nitong sina Suzi Entrata-Abrera at Lyn Ching ang journey niya bilang first-time dad kay Rodolfo Joaquin Diego Ilustre III.
“Grabe ang bilis talaga ng panahon, magfa-five months na siya sa Feb. Ngayon kasi madalas na siya mag-smile hindi na siya palagi umiiyak tapos 'pag nagpe-play ako ng music sumasayaw siya. At saka every morning siya 'yung gumigising sa akin sa umaga tapos lagi siyang naka-smile,” kuwento niya.
Dagdag pa ng hands-on dad, “Siguro nung first month niya, second month, 'yun talaga 'yung palagi siyang umiiyak tapos nung mga time na 'yon medyo adjusting pa kami ni Dianne. Hindi namin alam kung bakit siya umiiyak pero ngayon kabisado na namin si baby Joaquin kasi bihira na lang siya umiyak ngayon.”
Source: rodjuncruz (Instagram)
Dahil kilalang mahusay na dancer si Rodjun, ikinuwento niyang nakikitaan niya na raw ng inkling sa pagsasayaw si Joaquin ngayon pa lang.
“Sumasabay talaga siya. Nakakatuwa dahil sabi ko nga, 'Mukhang manang-mana ka sa mommy at daddy mo.' Si Dianne mahilig sumayaw tapos si Rayver [Cruz], 'yung Tito/Ninong niya magaling sumayaw. Siguradong nasa dugo talaga magaling sumayaw,” aniya.
Panoorin ang buong Unang Hirit report DITO.