What's on TV

'My Fantastic Pag-ibig,' ngayong Sabado na!

By Dianara Alegre
Published January 28, 2021 11:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales at Kim De Leon


Tampok sa unang episode ng weekly series na 'My Fantastic Pag-ibig' sina 'StarStruck' Season 7 Ultimate Male Survivor Kim De Leon at First Princess Lexi Gonzales. Mapapanood na ito ngayong Sabado, January 30 sa GMA News TV!

Mapapanood na ngayong Sabado, January 30, ang unang episode ng fantasy romance anthology na My Fantastic Pag-ibig.

Tampok sa two-part weekly series na “Love Wars” sina StarStruck Season 7 Ultimate Male Survivor Kim De Leon at First Princess Lexi Gonzales.

Kim De Leon at Lexi Gonzales

Source: lalexigonzales (Instagram), kimmdeleon (Instagram)

Tungkol ito sa love story ng isang kupido at dating app developer. Sa kuwento, nangangamba ang mga kupido sa pangitaiin na maraming tao ang magiging broken-hearted at mawawalan ng paniniwala sa true love at ang itinuturo nilang dahilan nito ay ang dating app na “MatchMaker.”

Kaya naman ang magiging misyon ni Milos/Pido (Kim) ay isabotahe ang tagumpay ng dating app. Magpapanggap siyang intern at mag-a-apply sa kumpanyang namamahala sa “MatchMaker.” Doon ay makikilala niya ang charming na developer nito na si Lovelyn (Lexi).

Ayon kay Lexi, marami ang makaka-relate sa istorya nito lalo na dahil parami nang parami ang mga gumagamit ng dating app na layuning makakilala ng kanilang magiging partner.

“Maraming tao na nakakapag-form ng love from the dating app. Meron din namang nasasaktan kasi mali 'yung nakikilala nila through dating app or kahit personal, anywhere. Hindi naman po mawawala 'yung pain pero it's a matter of knowing if nasa tamang tao ka ba,” ani Lexi nang makapanayam ng 24 Oras.

First time sumabak sa lock-in taping sina Kim at Lexi pero dahil nagkakasama na sila sa All-Out Sundays ay naging kumportable agad sila sa isa't isa.

“May isang scene dun na sobra akong natuwa kasi nagawa ko. It's a bit drama, may drama, ganon. Natuwa lang ako kasi natulungan ako ni Lexi sa scene na 'yon. Abangan na lang natin. Gusto ko na ring mapanood 'yung whole story with the effects din,” sabi ni Kim.

Panoorin ang full trailer ng My Fantastic Pag-ibig: Love Wars dito:

Source: migo.adecer (Instagram), valdezkate_(Instagram)

Samantala, tungkol naman sa couple na nasa bingit ng breakup ang tampok sa ikalawang installment ng My Fantastic Pag-ibig, ang “Exchange of Hearts” na pagbibidahan nina Migo Adecer at Kate Valdez bilang sina Popoy at Celine.

“Excited akong gawin na siya sa set and sobrang nakakapanibago 'to but I'm sure sobrang magiging enjoyable. For sure 'yung mga manonood e mag-e-enjoy at matatawa sila,” ani Kate.

Ayon kay Migo, makaka-relate raw hindi lang ang kanilang henerasyon kundi pati na rin ang mga young at heart sa kwento ng serye na kapupulutan ng aral pagdating sa pag-ibig.

“One person may not be satisfied while the other person is satisfied parang ganun. It's like the only emotion that they can find standing ground on is love pero at the same time sometimes love is not enough 'di ba?” sabi ni Migo.

Abangan ang My Fantastic Pag-ibig ngayong Sabado, January 30, 7:30 pm - 8:20 pm sa GMA News TV!

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.