
Noong Sabado, October 11, ipinamalas ng final dance star duos ang kanilang galing at diskarte matapos dumaan sa mas mahihirap na obstacles sa Stars on the Floor.
Sa naturang episode, sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi ang nagwagi bilang 14th top dance star duo matapos nilang mapahanga ang dance authorities at viewers sa kanilang blindfolded performance.
Sa kanilang nakakatindig-balahibong performance, kahit tila wala silang makita, nanaig pa rin ang kanilang husay, lalo na sa mga liftings na umani ng papuri.
Nakalaban nina Rodjun at Dasuri sa dance showdown ang The Gen Z Dance Idols na sina VXON Patrick at Kakai Almeda.
Sa isang Instagram post, pinuri ni Rodjun ang kanyang ka-duo na si Dasuri dahil sa pagiging matapang nito sa pagharap sa kanilang obstacle.
“Wow!!! Grabe talaga, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakaya at nagawa natin yung Blindfolded prod natin! Apir,” pahayag ni Rodjun.
Inamin ni Rodjun na sobrang natakot silang dalawa sa performance na ito dahil wala silang makita habang umiindak, ngunit proud siya dahil matagumpay nilang nairaos ang blinded performance na ito.
“Bilib ako sayo! Mismo ka always. Napakagaling at tapang mo. Laging handa sa kahit anong challenge,” papuri ng celebrity dance star kay Dasuri.
Dagdag pa niya, “Na-conquer natin ang obstacle na yun together. Hanep ng connection natin at puso! Teamwork talaga. Proud of us wohoooo!!!”
Noong nakaraang linggo, sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre naman ang nagwagi bilang 13th top dance star duo.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances nina Rodjun at Dasuri sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Abangan ang ultimate dance showdown ngayong October 18!
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor':