GMA Logo Rodjun Cruz
Celebrity Life

Rodjun Cruz is feeling grateful at 34

By Jimboy Napoles
Published October 11, 2021 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz


Sa kaniyang kaarawan kahapon, October 10, nag-post si Rodjun Cruz sa kaniyang Instagram account ng pasasalamat sa Panginoon para sa blessings na patuloy na dumarating sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Kahit nasa lock-in taping kahapon, October 10, masaya pa ring ipinagdiwang ni Kapuso Hunk actor Rodjun Cruz ang kaniyang 34th birthday.

Sa Instagram, ipinost ni Rodjun ang kaniyang pasasalamat sa Diyos sa tuloy-tuloy na blessings na dumarating sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Kwento pa ng aktor, itinaon pa raw na sa simbahan ang location ng kanilang taping kahapon, sakto sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

"Grabe ang lakas ko po talaga sa Inyo Lord. Love mo talaga ako. Sa mismong birthday ko sa simbahan pa po talaga nagkataon ang location namin. Kahit nasa lock-in taping ako, kasama ko pa rin Kayo ngayong kaarawan ko. Ikaw ang number 1. Thank you po talaga sa lahat," kwento ni Rodjun.

"Thank You for blessing me more than I deserve. May nagawa po siguro akong mabuti sa buhay ko para i-bless Niyo ako ng ganito. The best po Kayo. Mahal na mahal Kita at araw-araw akong magpapasalamat sa Inyo!" dagdag pa niya.

Isang post na ibinahagi ni Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Nagpasalamat din si Rodjun sa kaniyang pamilya at mga kaibigan na nagpahatid ng pagbagti sa kaniya.

"Gusto ko lang din mag-thank you sa family, friends ko at sa lahat ng nag-greet sa akin. Overwhelming talaga at sarap sa puso na malaman at mabasa na espesyal ako sa inyo. Kayo ang kumumpleto ng araw ko," pasasalamat pa ng aktor.

Bago ang kaniyang kaarawan, isang Zoom birthday salubong naman ang inihanda ng kaniyang pamilya para sa kaniya kasama ang kaniyang asawa na si Dianne Medina, ang kanilang anak na si Baby Joaquin, mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan.

Isang post na ibinahagi ni Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Samantala, sa kaniya pa ring Instagram post, bumati rin ang ilan sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

"Happy birthday Kuya Rodj!!!" pagbati ni Kim De Leon.

"Happy birthday kapatid, God bless you and more blessings sa'yo," mensahe naman ni Dion Ignacio.

Maging si Prima Donnas actor na si Wendell Ramos, bumati rin kay Rodjun "Happy birthday tol! @rodjuncruz more blessings pa sa'yo at sa family."

Silipin naman ang safari-themed 1st birthday party ng anak nina Rodjun Cruz at Dianne Medina na si Baby Joaquin sa gallery na ito: