GMA Logo Rodjun Cruz and Rayver Cruz on fast talk with boy abunda
What's on TV

Rodjun Cruz, may payo kay Rayver Cruz para kay Julie Anne San Jose

By Jimboy Napoles
Published December 21, 2023 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: February 16, 2026
Farm to Table: (February 15, 2026) LIVE
SB19 releases ticketing details for 'Wakas at Simula' concert

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz and Rayver Cruz on fast talk with boy abunda


Rodjun Cruz kay Rayver Cruz: "Bro sobrang blessed ka kay Julie, alagaan mo, mahalin mo."

Good vibes ang hatid ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, December 20.

Sa panayam sa kanila ni Boy Abunda, tinanong ng batikang TV host si Rodjun kung paano siya nagbibigay ng payo kay Rayver pagdating sa love life.

Kuwento ni Rodjun, “In a good way na nag-a-advice lang po ako pero at the end of the day kung ano po 'yung desisyon ni Rayver kung saan siya masaya, susuportahan ko po siya.”

Ayon pa kay Rodjun, kabisado niya na ang kanyang nakababatang kapatid kaya't alam niya kung kailan ito may problema.

Aniya, “'Pag si Rayver kasi tahimik 'yan alam mo na parang may pinagdadaanan siya, hindi niya pinapakita. So sa akin naman, nakikinig naman po siya so, kapag may advice ako, alam ko po na naku-comfort ko rin po siya.”

Nang tanungin naman ni Boy si Rodjun kung ano ang maipapayo niya kay Rayver pagdating sa relasyon nito sa singer-actress na si Julie Anne San Jose, ito ang kanyang sinabi, “Sa akin, bro sobrang blessed ka kay Julie, alagaan mo, mahalin mo. Ipag-pray n'yo sa tamang panahon.”

RELATED GALLERY: Rayver and Rodjun Cruz bond in Bali

Ayon naman kay Rayver, hindi niya sinasara ang posibilidad na makapag-settle na sila ni Julie soon.

Matatandaan na tinanong na rin noon ni Boy si Rayver tungkol sa pagpapakasal nila ni Julie.

Ito ay nang mag-guest ang celebrity couple sa Fast Talk with Boy Abunda matapos silang makauwi sa bansa at maabutan ang simula ng giyera sa pagitan ng Israel at grupong HAMAS.

Tanong noon ni Boy kay Rayver, “Ikaw Rayver, hindi ka ba nakaisip na mag-propose? Somebody said that e, in your group. Hindi ka ba naghanap ng pari? What was going on in your mind?”

Sagot naman noon ni Rayver, “Para sa akin kasi Tito Boy, everything happens for a reason e, and Siya lang ang nakakaalam noon sa itaas. Para sa akin kasi 'yung river of hope ko, 'yung lakas ng loob ko ay nanggagaling kay Julie.”

Dagdag pa niya, “So, iniisip ko, may rason kung bakit si Julie, magkasama kami sa Holy Land and for me, mind, body, and soul, kasal na ako sa kaniya.”

Samantala, kasalukuyan namang napapanood ngayon si Rodjun sa seryeng Love Before Sunrise. Sa pagpasok naman ng 2024, mapapanood si Rayver sa bagong GMA Primetime Series na Asawa Ng Asawa Ko.