GMA Logo Rodjun Cruz and Geneva Cruz
What's Hot

Rodjun Cruz, nakikiramay sa pagpanaw ng ina ni Geneva Cruz

By Maine Aquino
Published April 20, 2021 12:10 PM PHT
Updated April 20, 2021 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz and Geneva Cruz


Isang mensahe ang ibinahagi ni Rodjun Cruz para sa pagpanaw ng kaniyang Tita Marilyn na ina ni Geneva Cruz.

Isang mensahe at pagala-ala ang ibinahagi ni Rodjun Cruz sa pagpanaw ng kaniyang Tita Marilyn.

Ang Tita Marilyn ni Rodjun ay ang ina ni Geneva Cruz. Matatandaang ang ina ni Geneva ay nagkaroon ng COVID-19 at amakailan lang ay humingi pa ng tulong ang aktres na ipagdasal ang kaniyang ina. Hanggang sa napabalitang pumanaw na ito.

Photo source: @genevacruzofficial

Ibinahagi ni Rodjun ang kaniyang pagmamahal para sa kaniyang tita. Ayon pa sa aktor, alam niyang kasama na ng kaniyang Tita Marilyn ang kaniyang ina na si Beth Cruz.

"Rest in Paradise Tita Marilyn.☝🏻 Mahal ka namin. Alam kong nasa heaven ka na at ganyan ang ngiti, tawanan, at yakapan n'yo ni Mama pag nagkita [kayong] dalawa. Mga angels namin kayo at forever kayong nasa puso at isipan namin. Sobrang mahal namin kayo. 💘 Enjoy kayo sa heaven kapiling ni Lord God."

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Nakiramay naman ang aktor kay Geneva at sa buong pamilya ng kaniyang tita.

"Akap ng mahigpit sa aking mga pinsan ate @genevacruzofficial, ate @aubreycruz78, ate @nesscruzcarretas, @misselizajcruz, and tito Boyet. Nakikiramay kami sa buong family n'yo. Kasama kayo sa thoughts and prayers namin. Nandito lang kami."

Check out the other celebrities and personalities who contracted the coronavirus disease in this gallery:

Meanwhile, here are the celebs who died of complications caused by COVID-19:

RELATED CONTENT:

Geneva Cruz's mother no longer in "critical care" after contracting COVID-19