GMA Logo Pinky Amador and Carmina Villarroel
What's on TV

Role ni Pinky Amador sa 'Abot-Kamay Na Pangarap,' patuloy na pinag-uusapan

By EJ Chua
Published August 2, 2023 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador and Carmina Villarroel


Pinky Amador bilang si Moira sa #AbotKamayNaPangarap, may bagong gimik na naman ba? Abangan!

Patuloy na nanggigigil ang mga manonood sa karakter ng seasoned actress na si Pinky Amador sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Napapanood sa GMA's top-rating drama series si Pinky bilang si Moira, ang kontrabida sa buhay ng mag-inang sina Lyneth at Analyn, ang mga role nina Carmina Villarroel at Jillian Ward sa programa.

Kabi-kabila ang reaksyon ng viewers at netizens tungkol sa mga ginagawang pang-aapi at panggugulo ni Moira sa mag-ina.

Bukod kay Moira, kinaiinisan din ng mga manonood sa anak niya na si Zoey, ang karakter ni Kazel Kinouchi sa serye.

Sa bagong episode ng serye na ipapalabas ngayong Miyerkules, August 2, mapapanood kung ano ang bagong kalokohan at gimik ni Moira.

Matutunghayan na magpapaka-good samaritan siya sa ilang kapus-palad para magpasikat sa kaniyang asawa na si Doc RJ (Richard Yap).

Ano kaya ang mangyayari kapag nakita muli ni Moira si Lyneth?

Si Lyneth kaya ang magiging daan upang mabunyag ang panibagong pagkukunwari ni Moira?

Panoorin ang ilang eksenang na mapapanood sa serye mamaya sa video na ito:

Patuloy na subaybayan ang karakter ni Moira sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.