GMA Logo Romnick Sarmenta
What's Hot

Romnick Sarmenta, hindi pinangarap na maging artista at sumikat

By Kristian Eric Javier
Published June 13, 2024 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Romnick Sarmenta


Romnick Sarmenta sa pagpasok sa showbiz: 'Gusto ko lang magtrabaho'

Kilala si Romnick Sarmenta bilang isa sa mga seasoned actors ngayon. Nagsimula ang kanyang karera noong '90s bilang parte ng youth-orientated show na That's Entertainment. Ang hindi alam marahil ng marami ay hindi pinangarap ng aktor na maging isang artista.

Kuwento ng aktor sa Updated with Nelson Canlas podcast, “Hindi ko pinangarap talaga, totoo. Hindi ko pinangarap kahit kailan sumikat. Gusto ko lang magtrabaho."

Aniya, na-enjoy niya na hinahayaan siya ng pagiging isang aktor na ma-express ang kaniyang sarili. At dahil hindi naman sila mayaman, malaki ang naitulong niya sa kaniyang pamilya dahil sa pag-aartista.

“When that was happening, I was like, 'kung nakakatulong sa pamilya ko at nage-enjoy ako, tapos nagagamit ko kung ano man itong regalo na 'to ng Diyos, e di, okay.' Okay na yun,” sabi niya.

Ngunit sa kabila ng kasikatan na tinatamasa noon, alam din umano ni Romnick na mayroon itong hangganan.

Ániya, “May mas guwapo, may mas magaling, may mas matalino, may mas matangkad, may mas maputi. Palaging may mas. So hindi pwedeng ikaw yung sukdulan."

Pagpapatuloy niya, "'Pag dumating 'yung time na umabot ka sa taas, dapat alam mo din paano tanggapin 'pag wala ka na sa taas. So hindi ko pinangarap 'yung umabot sa pinakataas kasi parang sabi ko, paano 'yung pakiramdam pagkatapos nu'n?”

Nangangaral sa fans

Kahit daw pagdating sa fans, minsan ay pinagsasabihan niya ang ilan sa mga ito pagdating sa pag-iidolo sa kaniya. Kuwento niya, minsan ay nakakakita siya sa Broadway, kung saan kinukunan noon ang 'That's Entertainment,' ng fans na nakauniporme pa ng school.

Pag-alala niya, “Pinapagalitan ko sila kung pupunta sila sa taping ko o sa shooting ko ng araw ng klase. Kasi ang dahilan ko palagi, 'pag nalaman ng magulang mo na ako'y sinusuportahan mo, at nag-absent ka dahil sa akin, yari ako.”

Lagi niyang paalala noon sa fans, “Unahin mo 'yung importante. Kasi ako, pakiramdam ko inuuna ko 'yung importante rin para sa akin. And because I don't want to see them lose something valuable, especially when I'm no longer in that position.”

“Paano 'pag nalaos ako tapos nawalan ka rin? Parang sakit naman. Mas okay na ako na naayos mo 'yung sa'yo habang sinusuportahan mo 'ko. Para hindi masakit, mawala man,” sabi niya.

Sabi pa ni Romnick ay masaya na siyang suportahan ng fans sa ibang paraan tulad ng panonood ng kaniyang mga pelikula at TV series.

Pakinggan ang buong interview ni Romnick Sarmenta dito: