
Isa si Romnick Sarmenta sa mga aktor na matagal nang nasa entertainment industry.
Kabilang si Romnick sa star-studded cast ng drama series na Unbreak My Heart, ang biggest collaboration project ng GMA, ABS-CBN, at Viu.
Mapapanood siya sa naturang serye bilang si Mario, ang ama ng karakter ni Joshua Garcia.
Bukod sa Kapamilya actor na si Joshua, makaka-eksena rin niya ang aktres na si Eula Valdes, na gaganap bilang asawa niya sa serye.
Sa isang panayam, ibinahagi ng aktor kung ano ang katangian ng kanyang karakter sa Unbreak My Heart.
Pagbabahagi niya, “Si Mario ay mapagmahal na asawa at ama… He is like a guy na gustong gawin [ang] lahat para sa pamilya. Kaya lang… may matitinding dagok sa buhay niya.”
Kaabang-abang kung sinu-sino pa ang makakatagpo ng karakter ni Romnick sa serye.
Samantala, nito lamang nakaraang Sabado, May 27, nagsimula na ang advance streaming ng Unbreak My Heart, kung saan napanood ito at patuloy na ipapalabas sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
Ngayon namang araw na ito, May 29, mapapanood na ang serye sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
SILIPIN ANG ILANG NAGING KAGANAPAN SA KATATAPOS LANG NA 'UNBREAK MY HEART' MEDIA DAY SA GALLERY SA IBABA: