GMA Logo Romnick Sarmenta
What's Hot

Romnick Sarmenta, mas pinipili maging pribado ang personal na buhay

By Kristian Eric Javier
Published June 14, 2024 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Romnick Sarmenta


Romnick Sarmenta on his personal life: 'There are things that are worth keeping private.'

Usap-usapan ang naging tambalan nina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz noong '90s at maraming naging haka-haka sa totoong naging relasyon ng dalawa. Ngunit, patuloy lang na naging palaisipan ang issue na ito dahil kahit minsan ay walang umamin sa dalawang aktor tungkol estado ng kanilang relationship.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, pinansin ng host kung gaano ka-elusive ang mga artista noon kumpara ngayon. Sabi pa niya ay karamihan ng mga artista ngayon ay ipinapaalam na kaagad sa social media platforms ang estado ng kanilang love life.

Ang reaksyon ni Romnick dito, “Siguro kasi parang ngayon kasi din, because of the internet, ang daming pwedeng maglabas ng version. And siguro para hindi pangit ang lumabas na version, sige na, kami na magsasabi, ganito yung nangyayari sa amin, kami talaga.”

Ngunit dahil lumaki umano si Romnick sa “silent generation,” pinalaki sila sa idea na panatilihing pribado ang kanilang personal na buhay.

“Parang you don't have to tell people everything. There are things that are worth keeping private. Kasi the less people who know about it, the less susceptible din siya sa gulo. Parang gano'n,” sabi niya.

Pagpapatuloy niya, “Less yung nakikialam. Tahimik kami 'yung ganun.”

Kalaunan ay nagkalayo ng landas sina Romnick at Sheryl at nagkaroon siya ng ibang katambal, si Harlene Bautista, na napangasawa niya at nagkaroon sila ng limang anak. Ngunit noong 2018 ay naghiwalay rin sila. Sa kabila nito, wala sa kanila ang nagbigay pa ng detalye sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Taong 2020 naman nang ipaalam ni Romnick ang tungkol sa bagong pag-ibig niya sa actress, writer, at filmmaker na si Barbara Ruaro. Ipinanganak naman ni Barbara ang kanilang supling noong February 14, 2021.


Pakinggan ang buong interview ni Romnick Sarmenta dito: