GMA Logo Paolo Contis
Source: paolo_contis (IG)
What's on TV

Paolo Contis, nilinaw ang sagot na 'no comment' tungkol kay Yen Santos

By Kristian Eric Javier
Published May 16, 2024 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Nilinaw na ni Paolo Contis ang dahilan kung bakit hindi siya nagbigay ng detalye sa issue ng hiwalayan nila umano ni Yen Santos.

Matapos magbigay ng “no comment” na sagot kamakailan lang tungkol sa isang issue, nagbigay ang aktor at Bubble Gang comedian na si Paolo Contis ng karagdagang dahilan at linaw kung bakit ito ang kanyang naging sagot.

Sa premiere night ng kanyang bagong pelikula na Fuchsia Libre noong Martes, May 14, ay tinanong si Paolo kung bakit biglang tinanggal ng kanyang girlfriend na si Yen Santos ang birthday greeting nito sa kanya sa Instagram.

Bukod pa dito, wala na rin pina-follow ang aktres na kahit sino, kabilang na si Paolo, sa nasabing social media platform.

Unang sinagot ni Paolo ng “isang magandang no comment” ang tanong, bago ipaliwanag na gusto niyang panatilihin itong personal.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 15, sinabi ni Paolo na isa sa mga dahilan kung bakit niya nasabi iyon ay dahil hindi na iyon tungkol sa pagiging aktor niya.

Aniya, “I think dumating na kasi tayo sa point na feeling ko, people think na we owe it to everyone to share what's happening to you and I don't believe it's part of my acting craft anymore.”

Pagpapatuloy niya, the more na ibinabahagi niya ang mga personal na parte ng buhay niya ay lalo itong pakikialaman ng mga tao.

“I think it's time na 'yung mga pribadong bagay, mga walang kinalaman sa pag-arte mo o sa craft mo bilang artista, itira mo na 'yun para sa sarili mo,” sabi niya.

BALIKAN ANG MGA CELEBRITY BREAK-UPS NA GUMULAT NOONG 2023 SA GALLERY NA ITO:

Para kay Paolo, ang pribadong bagay para sa isang public figure gaya ng celebrities ay iyong mga walang kinalaman sa kanilang pagiging mga aktor.

“I mean, I'm an actor, ang pinaka responsibilidad ko is to my co-actors, to GMA, to my bosses, na maging matino akong katrabaho, na maging matino ang trabaho ko. Anything na labas dun, like my family, or anything na hindi na kasama sa pag-arte ko, I think that's private,” paliwanag niya.