
Kamakailan lang ay pumutok ang balita tungkol sa paglabas ng mga sensitibo at pribadong video kung saan ilang aktor ang nasangkot, kabilang sina Ron Angeles at Andre Cue.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, April 30, ibinahagi nina Ron at Andre ang naging karanasan nila.
Inamin ni Ron na ang pagiging impulsive niya ang nagdala sa kanya sa sitwasyon na iyon. “Pabugso-bugso po ako ng damdamin that time na parang pinakilala sa 'kin ng friend ko, parang 'Gusto kang makilala nito,' even though hindi ko kilala 'yung babae personally, so parang ako, 'Sige, pakilala mo sa 'kin 'yan.'”
Samantala si Andre, itinuturo naman ang pagiging mapagtiwala niya sa iba bilang pinakamalaking pagkakamali niya, “Baka 'yung mali na nagawa ko, Tito Boy is 'yung pag-trust ko sa babae na 'yun. Kasi normal lang naman, para sa 'kin, walang mali 'yung to have fun po, Tito Boy.”
Nilinaw naman ng dalawang aktor na pareho silang single noong mangyari iyon.
Pagbabahagi pa ni Ron, pinakilala lang sa kaniya ng malapit na kaibigan ang babae bilang fan na gusto siyang makilala. Kaya naman noong mag-aya ito sa isang condo, sumama siya para mas makilala pa ito.
Ngunit pag-amin ng aktor, noong umakyat siya sa condo ay iba na ang naramdaman niya dito, “Kasi pagpasok namin sa room, parang 'O, bakit deretso tayo agad sa room? Hindi mo man lang ba ako kakausapin?' or 'Bakit ka nagmamadali?'”
Sa kabila ng nararamdaman, aminado si Ron na hindi niya pinigilan na mangyari ang nangyari. Kaya naman, nang magsimula nang lumabas ang mga video, pag-amin niya, kinompronta niya ang kaniyang kaibigan tungkol dito. Ngunit pag-amin ng kaibigan ni Ron, wala rin siyang alam sa mangyayari.
“Ako po, parang hindi po ako naniniwala sa kanya,” sabi ni Ron, at ibinahagi ang planong pagsampa ng kaso sa kaibigan sakaling hindi ito makikipagtulungan.
Samantala, nag-direct message naman ang babae kay Andre na gusto siyang kunin bilang isang personal coach. Ngunit ayon sa aktor, hindi ito nangyari dahil hindi rin naman siya mahilig mag-reply sa mga hindi niya kakilala kaya tatlong beses lang sila nagkausap.
Noong magdesisyon silang magkita, umabot ng 20 to 30 minutes ang pag-uusap nila. Pero pag-amin ng aktor, nakalimutan na niya ang mga detalyeng ibinahagi sa kaniya. Ang hindi niya umano malilimutan ay ang kakaibang sticker na nakita niya sa TV.
“Nagdududa po ako, may TV po kasi, Tito Boy, na may sticker na lion. 'Yung TV na box siya, e. Old type na TV, ta's may sticker na lion. Du'n ako nawiwirdohan,” sabi ng aktor.
Nilinaw din ni Andre na iba ang babaeng nakilala niya kumpara sa napanood sa mga naunang leaked videos.
Sa huli, sinabi ni Andre, “Sa ngayon po, pinapa-handle lang po namin sa mga lawyer.”
BALIKAN ANG K-POP AT CELEBRITY SCANDALS NOONG 2025 SA GALLERY NA ITO: