GMA Logo Ronnie Liang
PHOTO SOURCE: GMA News (YouTube)
What's Hot

Ronnie Liang, naghanda ng back-to-back performance sa Canada

By Maine Aquino
Published August 14, 2026 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Siklistang natumba, sugatan nang mabangga at pumailalim sa patrol vehicle ng LTO
Apl.de.Ap partners with GMA Music for new EP release
Eagle Sawaga-Dalwangan dies of bacterial infection

Article Inside Page


Showbiz News

Ronnie Liang


Naghanda ng OPM hits si Ronnie Liang para sa Filipino-Canadian community.

Ang Sparkle artist na si Ronnie Liang ay naghanda ng ilang awitin para sa mga Pilipino sa Canada.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ang performance ni Ronnie ay tampok sa Taste of the Philippines 2026 sa Calgary. Dito nangharana si Ronnie para sa Filipino-Canadian community.

Ronnie Liang

PHOTO SOURCE: GMA News (YouTube)

Naghanda si Ronnie ng ilang OPM hits at may red roses pa na nagpakilig sa mga manonood. Ayon pa sa ulat, may mga masuwerteng fans pa na nakapagpa-autograph sa kanya.

Sinundan naman ito ng kanyang performance sa Brampton Fiesta Extravaganza 2026 sa Ontario.

Bukod kay Ronnie, may ibang Sparkle artists rin sa Canada para naman sa Sparkle World Tour 2026 Taste of Manila. Kabilang dito sina Miguel Tanfelix, Shuvee Etrata, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, John Rex, at Beki Velo na mapapanood sa August 15 at 16 sa Wilson Ave. & Bathurst St., Toronto, Canada.