GMA Logo Ronnie Ricketts in Mga Batang Riles
What's on TV

Ronnie Ricketts, tinanggap ang 'Mga Batang Riles' dahil sa namayapang ina

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 19, 2024 5:37 PM PHT
Updated October 29, 2024 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Ronnie Ricketts in Mga Batang Riles


"Gawin mo 'yan,' that was the last word she told me," saad ng batikang aktor na si Ronnie Ricketts.

Hindi madalas mapanood sa telebisyon ang batikang action star na si Ronnie Ricketts pero tinanggap niya ang upcoming GMA Prime series na Mga Batang Riles na pinagbibidahan ni Miguel Tanfelix.

Sa storycon ng Mga Batang Riles kagabi, July 18, inamin ni Ronnie Ricketts na maraming serye ang gusto siyang kunin pero hindi niya ito tinatanggap.

"Lahat halos ng malalaking TV series, kinukuha ako [pero] hindi ko ma-feel 'yung 'It.' May gusto akong gawin, siyempre ayoko naman kinukuha ka, makikielam ka," pag-amin ng batikang aktor. "I felt hindi ito bagay sakin, even though may nagsasabi sa akin na, 'Bagay sa 'yo, gawin mo 'yan.' May kulang, may kulang palagi."

Bakit niya tinanggap ang Mga Batang Riles?

"When this project came along, ang tanong ko agad, sino makakasama ko, e. When they told me na mga bago, 'yun ang gusto ko. I want to mentor young actors kasi kailangan, e, so sabi ko ang sarap ipasa nung alam ko, ipapasa ko sa kanila," sagot niya.

"'Yun ang maganda, 'pag bata, 'pag bago, ganado 'yan, e. Mapu-push mo sila, e. 'Pag medyo alam mo na may kanya-kanya na, mahirap i-push, or mahirap makielam. Ako, I know my limits."

Dagdag ni Ronnie, lagi siyang pinipilit ng namayapa niyang ina na gumawa ng teleserye na mapapanood niya dahil naka-base siya sa United States noon.

"Sabi niya, 'Anak, I hope makagawa ka man lang para mapanood kita' kasi she's based in the States. Sabi ko, 'Mommy, may bagong offer.' Ito nga, 'yung Mga Batang Riles. Sabi niya, 'Oh, gawin mo na.'

"'Mommy, may [mga sinasuggest] pa akong little [ideas] baka mapagbigyan ako.'

"'Gawin mo 'yan,' that was the last word she told me then I left for the States because she died. After I talked to her, three days after, my mom passed away."

Pagdating niya sa Amerika, kinausap niya ang asawang si Mariz Ricketts.

"I was talking to Mariz, sabi ko, 'Hon, ang last na sinabi ni Mommy, gawin ko 'to, e.' And before that, lahat naman ng gusto ko, tinanggap nila, nung nasa States na ako, a.

"'Pag dating sa States, all go. So nandoon ako, sabi ko, 'yung Mommy ko talaga did something here. I'm so happy lang na pinagbigyan ako ng channel 7 dito, very flattering to do this project.

"I'm sure my mom would be happy up there."

Mapapanood rin sa Mga Batang Riles sina Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, Antonio Vinzon, at Zephanie. Kasama rin dito sina Diana Zubiri, Desiree Del Valle, Jay Manalo, at Ms. Eva Darren.

Abangan ang Mga Batang Riles, malapit na sa GMA Prime.