What's on TV

Roselle Nava at Pekto, makikisaya sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino
Published March 7, 2024 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Roselle Nava at Pekto in Sarap Di Ba


Abangan ang pagbisita nina Roselle Nava at anak niyang si Rafa, sina Pekto at Mikhaela sa 'Sarap, 'Di Ba?'

Makakasama natin sa masayang Saturday morning bonding at family day sina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi at kanilang bisita na sina Roselle Nava at anak niyang Rafa, si Pekto at anak na si Mikhaela sa Sarap, 'Di Ba?

Sa March 9, mapapanood natin si Roselle na mag-perform ng kaniyang hit song and Pinoy karaoke favorite na "Bakit Nga Ba Mahal Kita." Sina Pekto at Mikhaela, ipapakita ang kanilang energetic dance routine. Haharap pa ang parent-child pairs sa fiesta inspired games tulad ng piñata and pabitin.

Makakasama naman nina Mavy at Cassy sina Rafa and Mikhael sa paggawa ng Flying Saucer Sandwich.

Para sa celebration of Women's Month, ibabahagi ni Roselle ang kahalagahan ng mga kababaihan at mga nanay sa pagsuporta ng passion ng kanilang mga anak.

Tumutok sa Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado (March 9), 10:00 am sa GMA Network at via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa YouTube channels ng GMA Network at Adventure. Taste. Moments.

Huwag din kalimutang sumali sa Sarap Manalo Promo tuwing Sabado sa Sarap, 'Di Ba?