
Sina Roxie Smith at Ricci Rivero ang bibida sa isang episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Maghahatid sila ng kilig sa episode na pinamagatang "My Sweet Charity."
Gaganap dito si Ricci bilang Alex, isang lalaking nag-viral kamakailan. Mabuting tao si Alex pero nagmukha siyang masama dahil sa video na kumalat tungkol sa kanya.
Para mabawi ang maganda niyang reputasyon, gagawa si Alex ng charity work kasama si Charrie, karakter naman ni Roxie.
Pero sadyang magkaiba ang personalities nina Alex at Charrie. Magkakasundo kaya sila sa joint charity project nila?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang "My Sweet Charity," May 3, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.