
Bibida ang Kapuso star na si Roxie Smith sa nalalapit na Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance, na pagbibidahan din nina Kate Valdez at Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, Roxie Smith, at Coney Reyes.
Bibigyang-buhay ni Roxie ang karakter na si Aimee Vergara sa naturang serye. Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso beauty, grateful siya na makatrabaho ang kanyang co-stars sa serye at marami siyang natututunan mula sa mga ito.
“I always say this na pinakamasaya ako kapag nagtatrabaho ako. So tuwing may taping, 'yun 'yung pinakamamasaya kong araw in the week. I have a really good working experience with everybody. I'm really grateful to work with all of these veterans na I really do learn from them. Even the young actors and actresses like sila Kate, si Kyline, Paul, and of course, Michael, whom I've worked with before, I also learn a lot from them,” kuwento niya.
Dagdag pa ng Filipina-Belgian beauty, labis ang kanyang tuwa sa pagiging bahagi ng Shining Inheritance.
Aniya, “I feel like every show I get, nagkakaroon ako ng room for growth and I'm just happy to be part of such an amazing show and it's an adaptation, and sana magustuhan nila itong version namin.”
Ayon pa sa aktres, marami ang makaka-relate sa kuwento ng Philippine version ng Shining Inheritance.
“Definitely makikita n'yo 'yung Filipino values and may Filipino humor. In a way, mas relatable siya and honestly, it's a big treat for us Filipinos. It revolves around family, pagmamahal, so makaka-relate sila,” pagbabahagi niya.
Gaganap muli si Roxie Smith bilang isang kontrabida ngunit aniya'y may lalim ang kanyang karakter na si Aimee. Bukod dito, puspusan ang paghahanda ng aktres para sa kanyang role.
“I attended workshops tapos nagkaroon kami ng opportunity na mahimay 'yung character namin. Ano ba 'yung strength niya, ano 'yung weakness niya, bakit siya galit, bakit siya masaya. So kapag hinimay mo talaga and if you well understood your character, the more you can portray her, the more you can be her.
"So may mga moments na ramdam ko na, shucks, parang ako talaga si Aimee. Kinikilabutan ako,” saad niya.
Abangan ang Shining Inheritance sa GMA Afternoon Prime.
SILIPIN ANG HOTTEST LOOKS NI ROXIE SMITH SA GALLERY NA ITO: