
Halo-halo ang naging emosyon ng People at celebrities nitong Saturday night sa bagong game show na The People Have Spoken.
Noong July 4, naantig ang puso ng marami matapos ibahagi ni Roxie Smith ang dahilan ng isa sa kanyang mga sagot sa programa.
Sa tanong na, "Kung makakapag-time travel ka, saan ka pupunta?" kaagad pinili ng Kapuso beauty queen ang nakaraan.
Nang tanungin ni Heart Evangelista ang dahilan ng kanyang sagot, ibinahagi ni Roxie ang kanyang nakakaantig na kuwento.
"Ms. Heart, medyo ma-drama ito pero 'yung mga taong na-grieve na in the past, sila lang nakakaintindi nito. ' Yung tatay ko kasi wala na siya. So kung makabalik ako sa past, at least makakasama ko siya," paliwanag niya.
Kaagad siyang pinalakpakan ng lahat bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang emosyonal na kuwento.
"Totally valid," komento ni Heart.
Samantala, ang future naman ang pinili ni Michael Sager ng Team ZephChael. Ganoon din ang naging sagot nina celebri-peeps Baus Rufo at Joy Barcoma.
Ngunit para naman kay Heart, mas pipiliin din niyang bumalik sa nakaraan.
"Wala namang time exactly. It can be pass your past. So it would be nice to see stuff that I haven't seen for myself. The future, for sure. Sana, I'll see it. But the past, I haven't really seen all. So I'd like to go to the past," aniya.
Sa naturang round, waging napulsuhan ng Team ZephChael ang boses ng People na may 62% votes. Samantala, ang sagot ng Team AshRox (Ashley Ortega at Roxie Smith) ay nakakuha ng 38% votes.
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, balikan ang Fathers' Day celebration ng ilang celebrities dito: