GMA Logo Royal Blood
What's on TV

'Royal Blood,' mapapanood na sa June 19; full trailer, pinuri ng netizens

By Aimee Anoc
Published June 15, 2023 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos still not keen on having PH rejoin ICC
Man punches senior citizen during road altercation; faces raps

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Abangan ang world premiere ng 'Royal Blood' ngayong June 19 sa GMA Telebabad.

Maraming viewers na ang nakaabang sa nalalapit na premiere ng pinakamalaking murder mystery series sa primetime, ang Royal Blood, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Noong Martes (June 13), inilabas na ng GMA Network ang full trailer ng pinakabago nitong suspenserye, na agad na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Sa full trailer, ipinakilala na ang mga karakter na bubuo sa Royal Blood. Makakasama ni Dingdong sa action-packed family drama sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos. Sa natatanging pagganap ni Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales. Kasama rin sina Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, at Sienna Stevens.

Simula June 19, mapapanood na ang Royal Blood na iikot sa kuwento ni Napoy (Dingdong), illegitimate child ng isang business tycoon at isang mapagmahal na single father na nagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat sa kanya nang maging prime suspect sa pagkamatay ng ama.

Panoorin ang full trailer ng Royal Blood sa video na ito:

Mapapanood ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Ipalalabas din ito sa Pinoy Hits, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

NARITO ANG ILANG DAHILANG NABANGGIT NI DINGDONG DANTES KUNG BAKIT NGA BA NIYA TINANGGAP ANG ROYAL BLOOD: