GMA Logo Royal Blood
What's on TV

Dingdong Dantes sa kuwento ng 'Royal Blood': 'Nabibilang sa universe ng 'Widows' Web'

By Aimee Anoc
Published June 13, 2023 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


"Kaya 'yung character po ni Arthur na galing po sa 'Widows' Web,' tatawid po sa 'Royal Blood.' Pero rito may panibagong kuwento." - Dingdong Dantes

Simula June 19, mapapanood na ang pinakamalaking murder mystery series sa primetime, ang Royal Blood, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Sa naganap na Grand Media Conference ng serye, ipinaliwanag ni Dingdong ang kuwento ng Royal Blood.

"'Yung kuwento po ng Royal Blood ay nabibilang sa universe ng Widows' Web kaya 'yung character po ni Arthur na galing po sa Widows' Web, tatawid po sa Royal Blood. Pero rito may panibagong kuwento," sabi niya.

Pagpapatuloy ng aktor, "Maaaring nanggaling po siya sa maraming inspirasyong mga kuwento pero masasabi ko I think at the right time nabuo ang isang napaka-compelling, napakapuno, at napakabuong kuwento na Royal Blood through our creative team. Maraming salamat na pinagkatiwala niyo sa amin ito. Hindi araw-araw mabibigyan po kami ng pagkakataon para maisabuhay ang ganitong mga klaseng ka-exciting na roles

"Royal Blood has a [certainty] na talagang papanoorin mo talaga dahil kakaiba rin siya sa iba. Maaaring napanood natin sa Widows' Web, maaaring nakita natin 'yung similarities sa ibang klaseng mga projects pero this time isang orihinal na likha from GMA."

Sa Royal Blood, makikilala si Dingdong bilang Napoy, illegitimate child ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III) at isang mapagmahal na single father sa anak na si Lizzie (Sienna Stevens). Nagsisikap siyang maibigay ang pangangailangan ng anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat kay Napoy nang maging prime suspect sa pagkamatay ng ama.

Kasama sa star-studded na cast ng action-packed family drama sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos. Gaganap sa isang espesyal at mahalagang role sa serye ang multi-awarded actor na si Mr. Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales. Kasama rin sina Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, at Sienna Stevens.

Panoorin ang full trailer ng Royal Blood sa video na ito:

Abangan ang world premiere ng Royal Blood ngayong June 19, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA GRAND MEDIA CONFERENCE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: