GMA Logo Royal Blood TV ratings
What's on TV

'Royal Blood' records 11.4 percent as Napoy begins search for Gustavo's killer

By Aimee Anoc
Published July 19, 2023 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood TV ratings


Mas tumaas pa ang ratings ng 'Royal Blood' noong Martes (July 18) na pumalo sa 11.4 percent, ang pinakamataas nitong ratings to date.

Matapos na makapagtala ng 11.2 percent noong Biyernes (July 14), mas tumaas pa ang ratings ng Royal Blood na pumalo sa 11.4 percent nitong Martes (July 18), ang pinakamataas nitong ratings to date.

Talaga namang mainit na sinusubaybayan ng manonood ang paghahanap ni Napoy (Dingdong Dantes) ng mga ebidensya na magpapatunay na hindi aksidente ang pagkamatay ng amang si Gustavo.

Sa episode 22 ng Royal Blood, bukod sa pagsisimula ng imbestigasyon ni Napoy, napanood din ang pakikiramay ni Jackie Sagrado (Ashley Ortega) sa yumaong si Gustavo Royales (Tirso Cruz).

Ipinagtanggol din ni Jackie ang magkakapatid na Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin) mula sa press nang sabihing walang illegitimate child si Gustavo.

Para makaiwas sa isyu, pilit na pinagtabuyan ng magkakapatid na Kristoff, Margaret, at Beatrice sina Napoy at Lizzie (Sienna Stevens) at hindi pinapasok sa chapel kung saan nakaburol ang ama.

Samantala, ipinagpatuloy ni Napoy ang pagtatanong sa mga katiwala tungkol sa kinaroroonan ng tatlong kapatid noong gabing mamatay si Gustavo. Isa sa mga katiwala ang nagpakita ng selfie nito na kuha noong gabing iyon, kung saan nahagip si Margaret sa labas ng mansyon dala-dala ang alaga nitong ahas.

Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: