GMA Logo royal blood
What's on TV

Royal Blood, mas tumaas pa ang ratings!

By Aimee Anoc
Published July 17, 2023 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

royal blood


Pumalo sa 11.2 percent ang ratings ng 'Royal Blood' noong Biyernes (July 14), ang pinakamataas nitong ratings to date.

Mas tumaas pa ang ratings ng inaabangang suspenserye ngayon sa primetime, ang Royal Blood.

Noong Biyernes, July 14, nakapagtala ang episode 20 ng Royal Blood ng 11.2 percent, ang pinakamataas nitong ratings to date.

Mainit na inabangan ng manonood ang pagsisimula ng imbestigasyon ni Napoy (Dingdong Dantes) kung sino nga ba ang pumatay sa amang si Gustavo (Tirso Cruz III). Ipinangako ng una na hahanapin nito ang salarin sa pagkamatay ng ama.

Sa episode 20 ng Royal Blood, sinubukan ni Napoy na humingi ng tulong kay Detective Queenie Masangkay (Geraldine Villamil) para sa imbestigasyon ng pagkamatay ng ama.

Pero gustuhin man niyang paimbestigahan ang pagkamatay ng ama, wala na ring magagawa ang detective dahil mismong mga eksperto na ng isang respetadong ospital ang nagkumpirma na aksidente ang pagkamatay ni Gustavo.

Kahit na bigong makuha ang tulong ni Detective Masangkay, buo ang loob ni Napoy na makakuha ng mga karagdagang ebidensya para mapapayag ang huli na imbestigahan ang pagkamatay ng ama.

Sa mansyon, ipinagtapat ni Anne (Princess Aliyah) kay Napoy na nasaksihan niya ang pagkamatay ni Gustavo. Ayon kay Anne, nakita niyang parating si Gustavo sakay ng kabayo nito. Pero bigla na lamang daw nagwala ang kabayo dahilan ng pagkahulog ni Gustavo.

Dahil sa narinig, agad na kinumpronta ni Napoy ang mga kapatid na sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin), pero hindi nito naituloy ang gusto nitong sabihin.

Tama kaya ang hinala ni Napoy na isa sa mga kapatid ang salarin sa pagkamatay ng ama? Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

Panoorin ang full episode 20 ng Royal Blood sa video na ito:

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: