GMA Logo Royal Blood
What's on TV

'Royal Blood' records highest ratings to date as Napoy investigates Marta's poisoning

By Aimee Anoc
Published August 2, 2023 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Nakakuha ng 11.9 percent na ratings ang 'Royal Blood,' ang pinakamataas nitong ratings to date.

Sa pagsisimula ng buwan ng Agosto, nakapagtala ang Royal Blood ng 11.9 percent, ang pinakamataas nitong ratings to date.

Bukod sa mainit na pagtuktok ng manonood sa telebisyon, pinag-usapan din online ang bagong palaisipan sa episode 32 ng Royal Blood. Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens kung sino nga ba ang lumason sa kasambahay na si Marta. Nangyari ito matapos na marinig niya ang sikretong itinatago ni Beatrice (Lianne Valentin).

Hinala ng ilang netizens na si Beatrice ang may kagagawan nito kay Marta dahil na rin sa wine na ininom ng huli, sa kemikal na nakalason dito, at sa sikreto niyang itinatago.

Samantala, base sa teaser na inilabas ngayong Miyerkules (August 2) ng Royal Blood, nahuli ni Napoy (Dingdong Dantes) si Beatrice na may hinahanap. Agad namang tinanong ni Napoy kung ang tseke ba na hawak nito na nagkakahalaga ng PhP50,000 ang hinahanap ng huli. Ayon naman kay Beatrice, pinautang niya ang perang iyon kay Marta.

Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

TINGNAN ANG BIRTHDAY SURPRISE NG ROYAL BLOOD TEAM PARA KAY DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: