GMA Logo Royce Cabrera in endo
Source: royce.cabrera (IG)
What's Hot

Royce Cabrera, hindi malilimutan ang pagiging bahagi ng 'Endo'

By Kristian Eric Javier
Published May 18, 2026 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder confident in another bounce-back effort in Game 2 vs. Spurs
REP taps Nelsito Gomez to direct Nonie Buencamino's musical theater comeback in 'Man of La Mancha'
Hot water poured on cat in NegOcc; justice sought

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera in endo


Isang hindi malilimutan na karanasan para kay Royce Cabrera ang magtanghal sa PETA Theater.

Lubos ang pasasalamat ni Kapuso actor Royce Cabrera sa pagtatapos ng stage play na pinagbibidahan nila ni Jasmine Curtis-Smith na Endo. Noong May 10 kasi ang huling pagtatanghal nila para sa naturang dula.

“Sarado na ang kurtina, pero mananatili ang mga alaala, tawanan, luha, pagod, at pagmamahalang nabuo sa entabladong ito. Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi at nakasama ko sa dulang ito,” caption ni Royce sa kanyang Instagram post.

Pinasalamatan din ni Royce ang producers ng kanilang dula, ang kanilang direktor na si Melvin Lee, ang handler niya na si Shelley Conde, and kanilang production team at staff para sa tiwala at pagmamahal nila sa kaniya.

“Hindi naging madali ang bawat ensayo, puyatan, at sakripisyo, pero naging sulit ang lahat dahil sama-sama natin itong nalampasan,” sabi ni Royce.

TINGNAN ANG KAPUSO STARS NA NAGBIGAY NG SUPORTA KINA ROYCE AT JASMINE SA 'ENDO' SA GALLERY NA ITO:

Pinasalamatan din ng aktor ang lahat ng naglaan ng oras para panoorin ang kanilang production. Ayon kay Royce, “Ang bawat palakpak, ngiti, emosyon, at suporta ninyo ang naging lakas namin upang ibigay ang aming buong puso sa bawat eksena. Nawa'y naihatid namin ng maganda at maayos ang mensahe ng dulang ito.”

Pag-amin ni Royce, hindi niya inakala na darating ang panahon na makakapagtanghal siya sa PETA Theater, isang karanasan na papahalagahan niya.

Pagbati ni Royce, “Happy Closing my #EndoOnStage Fam! Hanggang sa muli! Mabuhay ang mga mang-gagawang pilipino! Mabuhay ang Teatrong Pilipino!”

Ang Endo ay stage adaptation ng 2007 Cinemalaya classic na may parehong titulo. Napanood sa PETA Theater Center ang naturang dula simula noong April 10 at nagtagal hanggang nitong May 10.

A post shared by Royce Cabrera (@royce.cabrera)