
Last Friday, December 11, bumisita ang indie-turned-mainstream actor at Gawad Urian Nominee 2020 na si Royce Cabrera sa GMA Network Center upang pumirma ng kaniyang official co-management contract with GMA Artist Center.
Sa exclusive Kapuso Showbiz News interview ni Royce, inamin ng promising young actor na magkahalong kaba at saya ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang bagong career milestone, gayunpaman, tinatanaw niya ito bilang isang malaking pagkakataon para maipakita niya ang kaniyang talento sa mga Kapuso.
"Sobrang nakakatuwa, una kinakabahan talaga kasi siyempre panibagong mundo 'to 'eh. Pero siyempre at the same time nakakatuwa kasi 'yung pag-welcome pa lang nila sa'kin dito, ramdam ko na 'eh, talagang solid, solid.
"Kaya sabi ko 'Thankful, thankful talaga ako na ibinigay ako dito, thankful ako sa mga bosses na nagtiwala sila sa'kin kaya sobrang pasasalamat ko sa kanilang lahat,'" aniya.
Ang manager ni Royce na si Dudu Unay ang siyang nag-silbing tulay para siya ay makapasok sa Kapuso Network.
After years of playing bit roles in the indie scene, Royce's big break came in the form of "Ace Policarpio," his character in the 2019 crime-thriller Cinemalaya entry titled 'F#*@BOIS.' His portrayal as Ace earned him his first Best Actor nomination for Gawad Urian 2020. Since this movie, Royce has been blessed with projects non-stop and it has even allowed him to cross over into the mainstream scene.
"Nakaka-proud sa sarili ko kasi 'di ko rin lubos maisip na darating ako sa ganito dahil akala ko hanggang doon na lang ako kasi ilang taon ako nandoon sa lebel na 'yon.
"Pero siyempre, kaakibat noon 'yung pagtiya-tiyaga, hardwork, patience, tiwala sa Kaniya kaya heto, ito ako ngayon," ani Royce.
Bago pa siya pumirma sa GMA Artist Center, mayroon na rin siyang ilang Kapuso stars na nakatrabaho gaya ni Jak Roberto sa isang episode ng Magpakailanman at Kate Valdez at Migo Adecer sa NCCA-produced series na Project Destination.
"Isa rin sila sa mga nagjo-joke sa'kin na 'Sumama ka na sa'min, maging Kapuso ka na.' Nagku-kuwento sila na ang saya nga dito. Sabi ko 'Sige, darating tayo diyan.'
"Eto na nga ako kaya Kate, Migo, dito na ako ngayon [laughs]," kuwento niya.
Nabanggit rin ni Royce na nais niyang makatrabaho ang mga top Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Sanya Lopez sa isang future project pagka't dalawa sila sa mga pinaka hinahangaan niyang artista ngayon.
Hinihiling naman ni Royce ang walang sawang suporta ng kaniyang mga fans ngayong siya na ay isang official Kapuso.
Kung nais n'yo pang lubusang makilala si Royce, silipin n'yo lang ang gallery below tungkol sa promising young actor at newest Kapuso hunk: