What's on TV

Royce Cabrera, may gustong makatrabaho na Kapuso actor sa isang BL series?

By Maine Aquino
Published December 9, 2020 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US Central Command denies Iranian claim of captured American soldiers
Cebu makes a special appearance in K-drama 'Boyfriend on Demand'
Witness IDs suspect in killing of brgy chief in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera in Hangout


Kilalanin kung sino ang Kapuso actor na tinutukoy ni Royce Cabrera. Panoorin ang kanyang interview DITO:

Ibinahagi ni Royce Cabrera ang pangalan ng Kapuso actor na kanyang gustong makatambal sa isang BL series.

Ang BL series ay kilala bilang Boys' Love series. Isa sa mga naging proyekto ni Royce ay ang 2020 BL series na Quaranthings.

Royce Cabrera

Photo source: @royce.cabrera

Sa episode ng Hangout, inamin ng new Kapuso actor na gusto niyang muling makatambal sa isang proyekto si Jak Roberto.

Ayon kay Royce, nagkatrabaho na sila noon ni Jak sa Magpakailanman. Sina Royce at Jak ay bumida sa episode na "Fishergays."

Kuwento ni Royce, "Siguro gusto kong ituloy 'yung pag-tandem namin ni Jak Roberto kasi nagsama kami sa Magpakailanman, naging jowa ko siya doon e."

Ayon pa kay Royce, gusto niyang ituloy ang kanilang tambalan sakaling bigyan sila ng pagkakataon.

Natatawang kuwento ng aktor, "Kung bibigyan ng pagkakataon e 'di tuloy na namin 'yun. Gawan na namin ng sequel."

Panoorin ang pagsagot ni Royce ng iba't ibang tanong mula sa kanyang fans sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.

Kilalanin naman natin si Royce sa gallery na ito: