GMA Logo Royce Cabrera
Source: royce.cabrera, dennistrillo (Instagram)
What's on TV

Royce Cabrera, nais sundan ang yapak ng idolong si Dennis Trillo

By Jimboy Napoles
Published April 5, 2023 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera


“Gusto kong maging katulad ng nag-iisang Dennis Trillo” - Royce Cabrera

Proud na sinabi ng aktor na si Royce Cabrera sa Fast Talk with Boy Abunda na nais niyang maging katulad ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Hindi naman maitatanggi ang pagiging mahusay na artista ni Dennis kung kaya't isa siya sa pinakahinahangaang aktor sa industriya ngayon.

Sa pagsalang ni Royce sa segment na “Fast Talk” kasama ang TV host na si Boy Abunda, ibinahagi ng aktor na prayoridad niya ngayon ang takbo ng kaniyang career.

“Sobra po talagang dugo't pawis, lahat ibubuhos ko [para sa career],” ani Royce kay Boy.

Pero ayon kay Royce, nais niyang maging matagumpay sa larangan pag-aartista nang walang tinatapakan na tao.

Aniya, “Ang hindi ko kayang gawin ay 'yung habang tinatahak ko 'yung mga pangarap ko e, may maaapakan akong tao. 'Yun ang talagang hangga't maari iniiwasan ko.”

Samantala, sa huling tanong ni Boy, sinabi nito, “Ten years from now, who do you want to be?”

“Gusto kong maging katulad ng nag-iisang Dennis Trillo,” nakangiting sagot naman ni Royce.

Maraming beses na ring pinatunayan ni Royce ang kaniyang galing sa pag-arte mula sa mga independent films hanggang sa mga teleserye sa GMA.

Bumida si Royce noon sa isang Cinemalaya film na pinamagatang Fuccbois kung saan nakasama niya ang kaibigan at kapwa Kapuso actor na si Kokoy De Santos.

Sa ngayon, napapanood naman si Royce sa GMA Primetime series na The Write One.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI ROYCE CABRERA SA GALLERY NA ITO: