GMA Logo royce cabrera
Courtesy: Sparkle GMA Artist Center on Facebook
What's Hot

Royce Cabrera, naka-relate sa 'Endo' karakter: 'Kahit ako, raketero ako'

By Nherz Almo
Published April 9, 2026 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jeepney drivers keep Pangasinan moving amid fuel woes
Duty Free PH eyes strengthening retail ops, launches April campaign
Niana Guerrero's '2.0' dance cover gets notice from BTS members

Article Inside Page


Showbiz News

royce cabrera


Kahit masama ang pakiramdam, naibigay pa rin ni Royce Cabrera ang kanyang best performance sa 'Endo' press preview.

“Hataw-imnida!”

Isa ito sa mga linya ni Royce Cabrera na tumatak sa mga nanood ng stage adaptation ng hit Cinemalaya 2007 film na Endo kagabi, April 8.

At tila pasok ito sa ipinamalas ni Royce dahil kahit hindi maganda ang kanyang pakiramdam, ibinigay pa rin niya ang kanyang best performance.

Sa katunayan, sa isang eksena, kapansin-pansin na tila nawalan ng boses ang aktor, pero naipagpatuloy pa rin niya ito nang maayos.

“Sa bandang una, medyo bumibigay [yung boses ko],” pag-amin ni Royce.

Buti na lang daw ay nagawan ng paraan na mabigyan siya ng tubig nang iabot sa kanya ang isang prop.

“Pagkabigay niya sa akin ng props, may kasamang tumbler. Ayun, nilaklak ko talaga nang mabilis, 'tapos, laban! Wala, e, the show must go on.”

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng aktor sa pagtitiwalay sa kanya ng karakter ni Leo.

“Dumating ako kanina, nakita ko yung poster, itong [photo wall], parang, 'Totoo ba 'to?' Kaya sobrang pasasalamat ko sa kanila.”

Sobrang saya rin daw niya nang marinig ang mga palakpak ng mga manonood pagkatapos ng kanilang show.

“Iba, nakahinga talaga ako. Iba kapag may audience, e, iba yung balik na energy na binibigay.”

Nagpasalamat din si Royce sa mga kapwa niyang Sparkle artists na nagpakita ng suporta sa kanya sa press preview ng Endo.

Mapapanood si Royce sa Endo sa Peta Theater Center sa Quezon City simula April 10 hanggang May 10.

Related gallery: Sparkle stars show support for Royce Cabrera in theater adaptation of Endo

Samantala, naka-relate naman daw si Royce sa kanyang karakter na si Leo, na isang raketero. Napapanahon din daw ito dahil sa sitwasyon ng ekonomiya ngayon, maraming manggagawa ang kumukuha ng mahigit sa isang trabaho.

Aniya, “Napapanahon talaga kasi alam naman natin na sa panahon ngayon, parang bihira na lang isa lang yung trabaho. Kahit ako, raketero ako. Sino sa atin ang raketero dito?

“So dahil sa mga nangyayari sa bansa natin, sa ekonomiya, alam mo 'yon, makaka-relate tayo sa play na 'to—pagiging endo worker, gig worker. Yun yung message na gusto naming iparating na, hopefully, mailahad namin.”

Kahit mismong si Royce, kinailangan din daw mag-adjust dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Sa halip na gamitin ang kanyang sasakyan, minsan daw ang nagmo-motor na siya o gumagamit ng ride-hailing app kung kaya.

“Wala, e, kailangang bumalanse. Kapag hindi tayo marunong bumalanse ngayon, mauuna ka talagang matalo," pagtatapos ni Royce.