GMA Logo royce cabrera
What's on TV

Royce Cabrera, patuloy ang kakaibang husay sa pag-arte sa 'Start-Up PH'

By EJ Chua
Published December 7, 2022 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump administration freezes child day care payments to Minnesota
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

royce cabrera


May hiling ang fans ng 'Start-Up PH' star na si Royce Cabrera sa kanilang idolo. Alamin DITO:

Isa si Royce Cabrera sa mga aktor na kabilang sa star-studded cast ng 2022 GMA drama series na Start-Up PH.

Sa ongoing Kapuso series, ginagampanan ni Royce ang karakter ni Jefferson Katipunan, matalik na kaibigan ni Davidson 'Genius Boy' Navarro (Jeric Gonzales), at isa sa founders ng Three Sons Tech.

Sa December 5 episode ng serye, napanood ang isang matinding eksena sa pagitan nina Jefferson (Royce Cabrera) at ang dati nilang mentor sa SandboxPH na si Tristan 'Good Boy' Hernandez (Alden Richards).

Dito, matapang na kinompronta ni Jefferson si Tristan upang aminin na malaki ang galit niya rito dahil sa ginawa nito noon sa kaniyang kapatid.

Panoorin ang video na ito:

Jefferson's deep anger towards Tristan

Kasunod nito, ang ilang fans ng aktor, may hiling para sa kanilang idol.

Nito lamang nakaraang buwan, binigyang-buhay ni Royce ang kuwento ng isang drag queen sa isang episode ng drama anthology show na #MPK o Magpakailanman.

Matapos mapanood si Royce sa Magpakailanman, ang kaniya namang Start-Up PH co-star na si Bea Alonzo ang susunod na mapapanood bilang bida sa kaparehong programa.

Samantala, huwag palampasin ang kapana-panabik na kaganapan sa natitirang huling tatlong linggo ng Start-Up PH!

Mapapanood ang serye mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.

SILIPIN ANG SHIRTLESS PHOTOS NI ROYCE CABRERA SA GALLERY SA IBABA: