GMA Logo Royce Cabrera, Rafael Rosell in Widows Web
What's on TV

Royce Cabrera, Rafael Rosell, nahirapan ba sa kanilang roles sa 'Widows' War'?

By Kristian Eric Javier
Published June 24, 2024 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera, Rafael Rosell in Widows Web


Kahit hasang-hasa na sa pag-arte, nahirapan pa rin ba sina Royce Cabrera at Rafaell Rosell sa kanilang roles sa 'Widows' War'?

Marami na ang nag-aabang sa pagsisimula ng murder mystery drama series na Widows' War pero ang mga bida nito, handa na ba?

Sa panayam nina Royce Cabrera at Rafael Rosell kay Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend sa naganap na media conference noong Biyernes, June 21, inamin nilang na-challenge sila sa kani-kanilang mga karakter.

Ani Rafael, “To imbibe a character that you know in real life you wouldn't forgive, that's 'yung pinaka-challenge.”

Para naman kay Royce Cabrera, naging challenge sa kaniya ang magbitaw ng salita tungkol sa kaniyang karakter.

Paliwanag ng aktor, “Kasi isang word lang talaga sa character ko, madaming ma-spoil na pwedeng mangyari so 'yun 'yung pinaka challenge sa'kin, na kailangan kong bantayan ito.”

Samantala, masaya naman umano ang kanilang co-star na si Juancho Trivino na makita up close kung papaano magtrabaho ang kaniyang co-stars dahil natututo siya sa mga ito.

Hindi raw magiging predictable ang magiging kwento ng Widows' War kagaya ng mga naunang mystery drama series na Widows' Web at Royal Blood. Ayon kay Benjamin Alves, araw-araw ay merong madidiskubreng bago tungkol sa kuwento ng serye.

Ani naman ni Jackie Lou Blanco na isa sa mga cast ng serye, “It's this genre, you kinda will know kung baka pwedeng pumunta dito or dito, so it makes it more exciting.”

BALIKAN ANG HIGHLIGHTS SA NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG 'WIDOWS' WAR' SA GALLERY NA ITO:


Sa parehong media conference, nagbigay ng ilang detalye ang isa sa mga pangunahing aktres ng serye na si Carla Abellana, at sinabing sunod-sunod na intense scenes ang mapapanood dito. Sinabi rin niyang hindi pangkaraniwan ang mga eksenang mapapanood sa Widow's War.

“Hindi naman din po ito 'yung tipo ng kuwento na wala na silang ginawa kung hindi magsampalan o mag-away but you will always be at the edge of your seat. Mapapakapit po kayo,” sabi niya.

Pagpapatuloy niya, “Pahihingahin po namin kayo and then mamaya ayan na naman po medyo intense na naman ang mga eksena.”

Balikan ang kanilang interview dito: