What's on TV

Royce Cabrera, masahistang may 'extra service' sa #MPK

By Dianara Alegre
Published February 4, 2021 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

After 32 years, Old Swiss Inn announces permanent closure in Makati
Girly girl, gustong LIGAWAN ng dalawa niyang Boy-BFFs | Barangay Love Stories
Pinoys At Sea: Mark Phillip Laurilla | Chief MAKOi

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera MPK


Bukod sa #MPK, tampok din si Royce Cabrera sa fantasy romance anthology na 'My Fantastic Pag-ibig' at upcoming Kapuso drama na 'Nagbabagang Luha.'

Bibida ang Kapuso actor na si Royce Cabrera sa bagong episode ng real life drama anthology #MPK o Magpakailanman na mapapanood ngayong Sabado, February 6.

Gaganap siya rito bilang isang lalaking mapipilitang kumapit sa patalim para may maipangtustos sa pamilya.

Tampok din sa episode sina Neil Ryan Sese at StarStruck Season 7 Ultimate Male Survivor Kim De Leon bilang kanyang ama at kapatid.

Source: royce.cabrera (Instagram)

“Kwento 'to ng isang pamilya na hindi masyadong mayaman tapos umunlad 'yung buhay. Nung umunlad naman 'yung buhay nila, naging lasenggo 'yung tatay tapos 'yung nanay nagkaroon ng bisyo nag-drugs,” lahad ni Neil nang makapanayam ng 24 Oras.

“So 'yun naghirap ulit sila hanggang sa nawalan na ng choice 'yung anak namin nagtrabaho na siya bilang masahista,” dagdag pa niya.

Panganay na anak ang role ni Royce rito, “Bilang panganay si Makoy, kailangan niyang gumawa ng paraan sa mga pagsubok na dumating sa kanila. Pumasok siya bilang masahista. Dun din nagsimula 'yung mga pagsubok sa buhay ni Macoy,” aniya.

Si Kim naman ang gaganap bilang ang kanyang nakababatang kapatid.

“As Chikoy, nakababatang kapatid ni Makoy, maaapektuhan din po siya sa pagkasira ng family. Sa school medyo nagpabaya, napariwa, napabarkada na rin,” lahad niya.

A post shared by Royce Cabrera (@royce.cabrera)

Samantala, bukod sa #MPK, tampok din ang Urian Best Actor nominee at Young Critics Circle Best Performance nominee sa online series na Section St. Valentine: The Disappearance of Divine at BxJ Forever.

Bukod dito, malapit na ring mapanood si Royce sa fantasy romance anthology na My Fantastic Pag-ibig at magsisimula na rin sa taping ng upcoming Kapuso drama na Nagbabagang Luha.

“Simula nung pumasok ako sa Kapuso, nabigyan ako ng sunud-sunod na mga project. Sobrang salamat po talaga sa Kapuso,” ani Royce.

Kilalanin si Royce Cabrera, ang newest Kapuso hunk sa gallery na ito:

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.