
Inilahad ni Ruby Rodriguez ang tunay na dahilan kung bakit nagdesisyon ang kanyang pamilya na sa Amerika muna manirahan.
Sa latest episode ng Tunay Na Buhay, ibinahagi ni Ruby ang "intellectual disability" ng anak na si Don AJ at ang kondisyon nitong tinatawag na Henoch-Schonlein Purpura (HSP).
"He has intellectual disability, it means his brain is delayed at his biological age," pagbabahagi ni Ruby.
Ayon kay Ruby, nagsimulang magkaroon ng medical issue ang anak sa edad na anim.
"The HSP is not naman really rare, it's not extremely rare. But it happens, pero one attack lang. Ang rare is a chronic attack of HSP, which AJ had. Because of his chronic attack, ang HSP damages internal organs specifically the kidneys," pagpapaliwanag ni Ruby.
Ibinahagi rin ni Ruby na noong nasa Pilipinas pa, ginagamit niya ang sariling kita sa mga gamot ni AJ na umaabot sa PhP25,000 ang halaga sa isang buwan.
Ngayong nasa Amerika na sila, sinasagot na ng insurance ang medical treatment ng kanyang anak.
"My factor is for him to be a better child, because all I want for my son is a functioning member of society," sabi niya.
Dagdag pa niya, "I'm not gonna force him to take college kung hindi na niya kakayanin. Basta ang kailangan, puwede niyang ma-support 'yung sarili niya kapag wala na kam."
Lumipad papuntang Amerika ang pamilya ni Ruby noong Mayo.
Ngayon, nagtatrabaho siya sa legal department ng Philippine Consulate sa Los Angeles, California.
Panoorin ang buong panayam kay Ruby sa Tunay na Buhay:
Samantala, tignan sa gallery sa ibaba ang buhay ngayon ni Ruby Rodriguez sa Amerika: