GMA Logo ruby rodriguez comments on alden richards photo
What's Hot

Ruby Rodriguez, nilinaw ang komento sa Instagram post ni Alden Richards

By Cherry Sun
Published May 31, 2020 11:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

4 dead, 6 missing in Baguio landslide — Mayor Magalong
Raising connected kids: How parents can balance freedom and guidance in a digital world
Farm to Table: (August 9, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

ruby rodriguez comments on alden richards photo


Hindi napigilan ng ilang fans na maintriga sa komento ni Ruby Rodriguez sa litrato ng kanyang kapwa 'Eat Bulaga' dabarkad na si Alden Richards! Basahin ang buong kuwento dito!

Minabuti ni Ruby Rodriguez na bigyang-linaw ang kanyang komento sa isang Instagram post ni Alden Richards.

Noong Miyerkules, May 27, nag-post ng isang litrato si Alden. Dito, nag-comment si Ruby ng, “Kilala mo pa ba ako?”

Grocery run.

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Ruby Rodriguez comments on Alden Richards s IG post

Napaisip at naintriga ang ilang fans sa mga salita ni Ruby at hindi napigilang magtanong isa sa mga ito.

Ayon sa isa na may social media handle na @zeeven, “@rodriguezruby why, has he not wished you well during your hospitalization? Or has he not reached out to you?”

Fan asks clarification about Ruby Rodriguez s comment

Paglinaw naman ni Ruby na inside joke daw nilang dabarakds ang ganoong komento.

Aniya, “Hahahahaha ano ba kayo, biruan namin lahat yun pagmatagal na di nagkikita. Ganyan lahat kami lalo na pag nag abroad. Meron pa do u still speak tagalog?”

Ruby Rodriguez s response to fan

Muli rin niya itong nilinaw nang matanggap niya ang isang video mula sa manunulat na si Dondon Sermino.

Paliwanag ni Ruby, “Ano ka ba Dondon! Ganon lagi batian namin pag matagal na hindi nagkikita. Lalo na pag nagbakasyon.

"Si Joey nagpauso nun kilala mo pa ba kami/ako? Dont put a bad light. Magkatext kami! Natural lang namiss ko din sya. Ano ba.”

Halos kauuwi lamang ni Ruby sa bahay matapos ma-confine sa ospital dahil sa pananakit sa kanyang tiyan.

Ruby Rodriguez, to undergo medical procedure after experiencing abdominal pain

IN PHOTOS: Alden Richards's thirst trap abs photos

Eat Bulaga, may ayuda sa mga nawalan ng kabuhayan dahil sa COVID-19