GMA Logo Rufa Mae Quinto in Tols
What's on TV

Rufa Mae Quinto, balik-sitcom sa 'Tols'

By Aimee Anoc
Published June 7, 2022 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Fajardo resigns from ICI
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto in Tols


Ngayong Hunyo, itotodo na ni Rufa Mae Quinto ang pagbibigay kasiyahan bilang si Mommy Barbie sa unang family sitcom ng GTV, ang 'Tols.'

Balik-sitcom na ang sexy comedian na si Rufa Mae Quinto para sa kauna-unahang family sitcom ng GTV, ang Tols.

Ngayong Hunyo, itotodo na ni Rufa Mae ang pagbibigay kasiyahan bilang si Barbara "Barbie" Macaspac, ang ina ng triplets na sina Uno (Kelvin Miranda), Dos (Shaun Salvador), at Third (Abdul Raman) sa Tols.

Sa naganap na media conference para sa Tols, ikinuwento ni Rufa Mae kung bakit niya tinanggap agad ang role sa sitcom.

"Una na-miss ko na talaga ang Philippines at lalo na ang showbiz, iyon talaga 'yung unang-una, at GMA-7. Tapos anak ko gusto rin dito, gusto ko rin siyang mag-Tagalog pati na asawa ko," sabi ni Rufa Mae.

Dagdag niya, "Gustong-gusto ko rin doon sa Amerika pero parang inisip ko wala akong kausap. Alam mo 'yun nosebleed na nosebleed every day, palagi akong malungkot. Kumpleto naman buhay ko, may anak, masaya at may contentment. Pero alam kong hindi lang ito 'yung purpose ko in life na mag-alaga ng anak, pagsilbihan ang asawa.

"Sakto naman pagdating ko mayroon kaagad offer sa Sparkle management contract at GMA ay nandito po 'yung 'Tols.' In short, dito na nga po me muna kasi na-miss kong magpatawa. Sabi ko sa mga katrabaho ko gusto ko lang tumawa nang tumawa, ayoko ng masyadong serious. 'E rito kahit wala kang gana kailangan tatawa ka. Kaya iyon ang gusto ko po sa trabaho ko."

Matapos ang dalawang taong paninirahan sa Amerika, opisyal na nagbalik bilang Kapuso si Rufa Mae noong April 2022 matapos pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.

Makakasama rin ni Rufa Mae sa sitcom sina Betong Sumaya, Arkin Del Rosario, Olive May, Rolando Inocencio at Raymond Mabute.

Abangan ang world premiere ng Tols ngayong June 25, 7 p.m. sa GTV. Para sa updates tungkol sa Tols, bisitahin ang www.GTV.ph.

Samantala, tingnan ang balik-Kapuso moments ni Rufa Mae Quinto sa gallery na ito: