GMA Logo rufa mae quinto
Celebrity Life

Rufa Mae Quinto looks back on her pregnancy journey with her 'miracle baby'

By Aimee Anoc
Published February 3, 2022 11:54 AM PHT
Updated February 4, 2022 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

rufa mae quinto


Rufa Mae Quinto: "Super bed rest ako noon when I got pregnant..."

Dalawang linggo bago ang ika-limang kaarawan ni Alexandria Athena, inalala ng ina niyang si Rufa Mae Quinto ang mga pinagdaanan niya bago maipanganak ang kanyang "miracle baby."

Sa Instagram, ipinakilala ni Rufa Mae ang unang nurse ni Athena na kaibigan niya na rin ngayon.

"Alam n'yo ba na ito ang first nurse ni Athena na friend ko na rin @gumbeeee," pagbabahagi ng komedyante.

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Ikinuwento rin ni Rufa Mae na dalawang beses siyang na-admit sa ospital, noong siya ay nasa ikalawa at ikawalong buwan ng pagbubuntis.

"Super bed rest ako noon when I got pregnant and na-admit [dalawang beses] sa hospital, 2 [months] and 8 [months] ako noon pero ang maganda nagka-miracle baby pa rin kami kahit puro spotting and all," aniya.

Ipinanganak ni Rufa Mae ang hija unica niyang Athena noong February 17, 2017 sa St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig, sa edad na 38.

Kasalukuyang naninirahan ngayon sa United States si Rufa Mae kasama ang kanyang anak na si Athena at asawang si Trevor Magallanes.

Samantala, tingnan ang masayang buhay ni Rufa Mae Quinto sa U.S. sa gallery na ito: