GMA Logo Rufa Mae Quinto
Photo source: @rufamaequinto
What's Hot

Rufa Mae Quinto, nagpapasalamat sa sumuporta sa pagbabalik niya sa showbiz

By Maine Aquino
Published April 19, 2022 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Muling nagbabalik sa GMA ang sexy comedian na si Rufa Mae Quinto.

Puno ng pasasalamat si Rufa Mae Quinto dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ngayong nagbabalik siya sa showbiz.

Matatandaang nanirahan si Rufa Mae sa Amerika ng higit dalawang taon kasama ang asawa na si Trevor Magallanes at anak nilang si Athena.

Ayon sa sexy comedian, masaya siya dahil marami ang na-excite nang i-post niya na bahagi na siya ng Sparkle GMA Artist Center.

Rufa Mae Quinto

Photo source: @rufamaequinto

Kuwento ni Rufa Mae sa internal press interview ng GMA Network, "Sobra. Araw-araw na nga nagte-trending ako kaya salamat po sa lahat ng excitement na ibinibigay ninyo. I'm ready, yes! I'm ready to sparkle, ganyan!"

Saad pa ni Rufa Mae, nagpapasalamat siya sa mga sumusubaybay sa mga proyekto niya.

"Salamat sa napakainit na pagtanggap ninyo sa lahat ng ginagawa ko. Kahit na mapa-TV, radio, live show, thank you so much."

Ibinahagi rin ng Sparkle artist na handa na siya sa iba't ibang proyekto niya ngayong 2022.

"More more ganap this 2022! So more positivity and happiness and loveliness this 2022."

Ngayong April 23 at 30, mapapanood si Rufa Mae sa kanyang pagbabalik sa pag-arte sa Tadhana sa GMA Network.

Samantala, balikan ang naging buhay ni Rufa Mae sa Amerika dito: