GMA Logo Running Man Philippines, Ricci Rivero
What's on TV

'Running Man PH' cast, Ricci Rivero maghaharap sa 2nd anniversary special ng 'Family Feud'

Published March 19, 2024 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Philippines, Ricci Rivero


Sino kaya sa pagitan ng team 'Running Man Philippines' at team ni Ricci Rivero ang mananalo sa hulaan?

Ngayong Martes, March 19, tuloy ang saya sa second day ng week-long anniversary special ng Family Feud.

Maglalaro ang cast ng Running Man Philippines (RMPH) at ang team ng professional basketball player na si Ricci Rivero.

Ang Team Running Man Philippines ay binubuo nina Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales, at Miguel Tanfelix.

Ballers & Queens PH naman ang pangalan ng team ni Ricci. Kasama kasi niyang maglalaro ang kasintahang si Leren Bautista, ang kaibigan at dating teammate sa UP Fighting Maroons na si CJ Cansino at ang girlfriend ni CJ na si Alliana Dolina, isang content creator.

Bukod sa talunin sina Ricci, may isa pang mission ang mga Runners. Ito ay ang lagyan ng name tag sa likuran ang host na si Dingdong Dantes nang hindi nito namamalayan. Batay ito sa isang classic game ng Running Man. Maging successful kaya ang Runners sa kanilang misyon?

From runner to teacher? Tinuruan din ng runner na si Kokoy ng Cham Cham Cham game si Ricci at nagpatalbugan pa sila sa Best of 3 battle.

Masusubukan din ang pagiging competitive nina Ricci at CJ, na dating magkakampi sa UP Fighting Maroons, dahil for the first time ay magtatapat sila sa isang masayang Cham Cham Cham game.

Abangan ang special episode na ito this Tuesday sa Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA 7. Mapapanood naman ang livestream sa official Facebook channel programa. Available naman ang show worldwide sa YouTube via GMA Kapuso Stream at Family Feud channel.

RELATED GALLERY: 'My Guardian Alien,' 'Running Man Ph,' bigating celebrities, mapapanood sa week-long anniversary special ng 'Family Feud'