
Mapapa-“sana all” kayo sa upcoming episodes ng high-rating reality show na Running Man Philippines dahil may food trip ang ating seven Celebrity Runners at special guests na sina Andre Paras at Miss World 2013 Megan Young.
Ngayong weekend primetime, dadalhin namin kayo sa seaside city na Mokpo na kilala sa fresh seafoods.
Mabubusog at mae-excite kayo dahil hahatiin sila sa tatlong teams na may three members para sumabak sa ating food-themed missions sa Mukbang Bingo!
Mauwi kaya ang sweet reunion ng mag-asawang Mikael at Megan sa matinding bakbakan para maipanalo nila ang kani-kanilang team?
Maalis kaya ang gutom ng ating Runners sa masasarap na pagkain sa kanilang mission o ma-stress sila sa outrageous games na kailangan nilang kumpletuhin to win?
Siguradong mapapasigaw kayo ng “#FoodPaMore” ngayong Sabado Star Power at Sunday Grande sa gabi!
Heto ang pasilip sa aabangan this weekend below.
October 22 episode
October 23 episode
Huwag papahuli sa all-out fun sa biggest reality show on Philippine TV, ang Running Man Philippines, every Saturday at 7:15 pm and every Sunday, pagkatapos ng Happy ToGetHer, at 7:50 pm.
FIND OUT MORE ABOUT OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: