GMA Logo Running Man Philippines
What's on TV

'Running Man Philippines' cast members, nagkakatampuhan after ng kanilang mga mission?

By Aedrianne Acar
Published September 2, 2022 3:39 PM PHT
Updated September 3, 2022 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Philippines


Ano kaya ang sagot ni Mikael "The Captain" Daez? Alamin dito:

Aminado ang cast members ng Running Man Philippines tulad nina Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid at Angel Guardian na lumabas ang competitive spirit nang gawin nila ang reality show.

Kaya naman tinanong ng veteran entertainment writer na si Jun Nardo si Mikael Daez a.k.a. “The Captain” sa idinaos na media conference last August 27, kung may pagkakataon ba na may umiyak o nabuwisit sila sa isa't isa bilang napaka-competitive ng mga ginagawa nilang missions.

Tugon ni Mikael Daez, “Doon sa mga tanong mo. Yes to everything.”

Paliwanag niya, “And I think 'yun 'yung dapat abangan ninyo, kasi hindi lang siyempre katuwaan, when you watch 'yung Running Man OG, 'yung Korean version, nakita mo na yes nakakatawa siya, nakakatuwa.

“Nasasaktan sila, nagkakamali sila, may nanalo. Same with us, may nagkakamali, may nasasaktan, may nanalo. May nagtatampuhan, pero I think 'yun 'yung nagbibigay kulay.”

Natural lang din daw ang ganitong klase ng emosyon ayon kay Mikael, dahil iba't iba sila ng background.

Aniya, “I think naiintindihan namin lahat na 'yun din 'yung magic ng Running Man na you have seven artists here, 'yung iba nagho-host, 'yung iba comedy, 'yung iba singer, dancer. So, biglang nilagay kami dito sa isang environment na sobrang ibang-iba sa nakasanayan namin.

“So, ang daming lalabas na emosyon, pero sa totoo lang 'yung emosyon na 'yun, 'yun 'yung inaasahan naming sasakyan ng audience.”

“Kasi tayong mga Pinoy, gusto natin 'yung mga ganun, e. We enjoy 'yung mga katuwaan, 'yung comedy, pero nagi-invest din tayo sa mga dramahan, 'di ba.”

Kung na-curious kayo sa kuwento ni Mikael, tutukan ang world premiere ng Running Man Philippines, mamayang gabi, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

LET'S TAKE A QUICK TOUR IN SOUTH KOREA WITH OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: