
Very sweet ang Kapuso couple at Sparkle stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ngayong Valentine's Day.
Sa magkahiwalay na posts, nagbahagi sila ng matching photos ng isa't isa bilang paggunita sa Araw ng mga Puso.
Nag-post si Ruru ng picture ni Bianca na may hawak na camera at kinukunan siya.
"Hope you know I don't want nobody else ♡," sulat ni Ruru sa caption ng post.
Kasabay nito, nag-post din si Bianca ng litrato ni Ruru na may hawak na camera habang kinukunan siya.
"You and I, capturing memories we will treasure together forever," sulat naman niya.
Nasa gitna ng taping sina Ruru at Bianca para sa The Write One, ang kanilang upcoming romance drama series with a touch of fantasy na mula sa GMA Public Affairs.
Ito ang unang serye na mula sa collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service Viu Philippines.
Bukod kina Ruru at Bianca, bahagi din ng serye ang kanilang mga kaibigan at kapwa Sparkle stars na sina Mikee Quintos at Paul Salas na sa set na rin ng The Write One magdiriwang ng Valentine's Day.
SAMANTALA, SILIPIN ANG FIRST TAPING DAY NG THE WRITE ONE SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO: