
Break muna sa non-stop bakbakan at sa malalaking rebelasyon sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.
Hatid kasi ng bida nitong si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid at mascot na si Dakila ang isang feel good video.
Bilang pampa-good vibes, nagpakitang gilas si Dakila sa hugot lines sa tulong ni Ruru.
Bakit nga ba parang paminta ang puso ng tao? Ayon kay Dakila, dahil daw patuloy itong dinudurog durog.
Bakit naman dapat parang exam na lang ang pag-ibig? Para daw kahit maraming mali, 'yung mga tama ang binibilang.
Pakinggan ang iba pang mga hugot lines nina Ruru Madrid at Dakila sa video na ito:
Samantala, patuloy na tumutok sa most-watched television series of 2022 na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.