
Patuloy na binabasag ng most-watched television series ng 2022 na Lolong ang sariling records rating nito.
Ang episode kahapon, August 25, ang nagtala ng pinakamataas na ratings ng programa sa kasalukuyan.
Ang ika-39 episode na ito ng serye ay umani ng 18.7 combined ratings mula sa GMA at GTV na mataas kaysa sa 9.0 combined ratings ng katapat ng programa mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at CineMo.
Kapansin pansin na tumaas ito mula sa 18.3 combined ratings mula sa GMA at GTV ng ika-38 episode ng serye na umere noong August 24.
Sa August 25 episode na ito ng Lolong nagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang magkaibigang Lolong (Ruru Madrid) at Elsie (Shaira Diaz). Dito na inamin ni Lolong kay Elsie na isa siyang Atubaw, pati na ang iba pang mga inililihim niya sa kababata.
Mayroon ding emosyonal na eksena sa pagitan ni Karina (Rochelle Pangilinan) at Martin (Paul Salas) kung saan nagmamakaawa ang binata at naghahanap ng paraan para matanggal ang pagiging Atubaw niya.
Sa episode naman ngayong gabi, August 26, mapipilitan si Lolong na pumili sa pagitan ng pagsagip kay Narsing (Bembol Roco) o kay Isabel (Malou de Guzman) nang mabihag ito nina Armando (Christopher de Leon) at Dona (Jean Garcia).
Isang buhay na naman ba ang kukunin ng dambuhalang digmaan sa Tumahan?
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.