
Isang dambuhalang challenge ang hinarap ni Kapuso Action-Drama Prince at Lolong lead star Ruru Madrid kasama ang mascot version ng buwayang si Dakila.
Magkasama nilang hinarap ang hamon na lumipad sa himpapawid gamit ang isang maliit na eroplano.
"Good morning, mga Kapuso! Kasama ko po ngayon sa araw na ito si Daks, ang aking kaibigan. Sa araw po na ito, very exciting ang mangyayri sa amin dahil today io-overcome po namin ni Daks ang isang dambuhalang challenge," pagbati ni Ruru.
Kasama si Dakila, ipinakita ng aktor ang sasakyan nila.
"Itong nasa likuran po namin ay tinatawag po na ultralight plane at diyan po kami sasakay ngayong ni Dakila. Sa tingin niyo mga Kapuso, kaya ba naming abutin ni Dakila ang ulap? Tingnan po natin," dagdag pa ni Ruru.
Nagtalo pa ang dalawa kung sino ang dapat mauna.
"So Dakila, una ka ha? Titingnan ko kung kaya mo," paghihikayat ni Ruru sa kasama.
Magkahiwalya na sumakay sina Ruru at Dakila sa ultralight plane kasama ang isang piloto.
Silipiin ang kanilang exciting na paglipad dito.
Matapos ang kanilang tagumpay, napasayaw naman sina Ruru at Dakila.
Samantala, magsisimula na ngayong gabi, August 15 ang bagong yugto ng Lolong.
Magbabalik na ang mga Atubaw sa Tumahan para maningil sa halos pagkabuos ng kanilang lahi.
Isang buhay din ang manganganib, habang isang malaking desisyon ang nasa mga balikat ni Lolong.
Patuloy na tumutok sa bagong yugto ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SET NG LOLONG DITO: