GMA Logo Tadhana, Hulog ng Langit
What's on TV

Ruru Madrid at Shaira Diaz, lalabanan ang amnesia sa 'Tadhana: Hulog ng Langit'

By Bianca Geli
Published November 5, 2021 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Precautionary hold departure order requested for Marcoleta, Mike Defensor
Over 2T families affected as floods hit parts of Mindanao
This immersive storytelling museum is inspired by a Korean tale

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana, Hulog ng Langit


Bagong pag-ibig, mauudlot na ba ngayong nagbalik na ang mga tunay na alaala?

Sa part one ng Tadhana: Hulog ng Langit, tampok ang kwento ng sawing binata na si Vincent (Ruru Madrid).

Ipagdarasal niyang makilala niya na ang “The One” para sa kaniya.

Dito niya makikilala si Angel (Shaira Diaz) na mapapadpad sa kanilang baryo ng walang alaala sa kaniyang nakaraan dahil sa amnesia.

Kukupkupin ni Vincent at ng kaniyang pamilya si Angel, at unti-unting mahuhulog ang loob ng binata sa mala-anghel niyang kaibigan.

Nang mahanap ng pamilya ni Angel ang kaniyang kinaroroonan, nagbalik din ang alaala nito.

Labis na nasaktan si Vincent ng malaman niyang taken na pala si Angel!

Paano na lang ang mga nabuo nilang alaala?

Abangan ang natatanging pagganap nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Luke Conde, Alan Paule, at Glenda Garcia sa Tadhana: Hulog ng Langit.

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Hulog ng Langit Part 1 ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 (#TadhanaHulogNgLangit).

Samantala, tingnan sa gallery below ang leaner physique ni Ruru Madrid: