What's on TV

Ruru Madrid at Shaira Diaz, nagsimula nang mag-training para sa action series na 'Lolong'

By Dianara Alegre
Published November 13, 2020 10:33 AM PHT
Updated June 2, 2021 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hudson Williams, Tom Blyth sit front row together at Milan Fashion Week
Kapin 1.9 Million Deboto, Nisalmot sa Solemn Foot Procession | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid and shaira diaz


Sumailalim na sa training ang 'Lolong' lead stars na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz.

Sinimulan na ng lead cast ng upcoming action-packed series Lolong na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz ang training para sa mga maaaksyong eksena nila rito.

Bagamat online ang kanilang training sa ngayon, marami naman daw natutunan sina Ruru at Shaira sa kanilang mga pinagdaanang ensayo.

Ruru Madrid at Shaira Diaz

“Kahit online training pa lang siya marami na kaming natutunan agad and at the same time, medyo ang hirap,” pahayag ni Shaira sa ulat ng 24 Oras nitong Miyerkules, November 11.

Dagdag pa ni Ruru, “Ang goal ng aming trainer 'yung form namin para at least once na nakasalang na kami sa TV or may mga fight scenes kami, 'yung form naming 'yung nangingibabaw.”

Bukod sa mga action scene, pinaghahandaan din nina Ruru at Shaira ang mga mabibigat nilang eksena sa serye, lalo pa at makakasabayan nila ang ilan sa mga hinahangaang personalidad sa industriya.

“To be honest, nakaka-pressure rin talaga. Medyo mataas talaga 'yung expectations ng mga tao, siyempre, magandang casting, ganyan,” ani Ruru.

Magkahalong kaba at excitement naman daw ang nararamdaman ni Shaira.

“Mas kinakabahan ako pero siyempre gaya ng sabi ni Ruru, excited na rin ako na may matututunan sa kanya,” aniya.

Samantala, nalalapit na rin ang pagsisimula ng lock-in taping ng Lolong.

Kung hindi mag-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.