GMA Logo ruru madrid yassi pressman
What's Hot

Ruru Madrid at Yassi Pressman, magpapakilig sa 'Video City'

By Nherz Almo
Published September 10, 2023 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid yassi pressman


"Never siyang nawala," sabi ni Ruru Madrid sa on-screen chemistry nila ni Yassi Pressman, na dati na niyang nakasama sa ilang TV projects.

Bago ang maaaksiyong eksena sa Black Rider, magpapakilig muna sina Ruru Madrid at Yassi Pressman sa pelikulang Video City.

Maituturing na reunion project ito para kina Ruru at Yassi, na unang nagkasama sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break. Sinundan pa ito ng Party Pilipinas, Dormitoryo, at Sunday All Stars.

Bagamat matagal bago sila muling magkatrabaho, tila hindi naman daw nawala ang ang on-screen chemistry ng dalawang aktor.

Ayon kay Ruru, “I don't know, for some reason, nararamdaman namin yung tiwala, yung koneksiyon sa bawat eksenang ginagawa namin.

“Parang never siyang nawala. I guess, yung chemistry, du'n siya nabubuo. Mas ibinibigay namin yung dapat ibigay sa bawat eksena.”

Nabanggit din ng aktor sa media conference ng pelikula kamakailan na hindi pilit ang tambalan nila ni Yassi para sa pelikula.

Aniya, “Hindi kami hard sell, like, puso kami kung magtrabaho. Hindi yung tipong pinaplano namin kung ano yung dapat naming gawin, mas more on puso. Mas du'n kami sa tiwala namin sa isa't isa dahil sa first time pa lang na ginawa namin yung look test, tinginan pa lang, naramdaman agad namin yung koneksiyon.”

Ang Video City ay co-produced Viva Films and GMA Pictures. Ipalalabas ito sa mga sinehan simula September 20.

Samantala, kasunod ng Video City, mapapanood naman sina Ruru at Yassi sa upcoming GMA action series na Black Rider.

Ayon kay Yassi, na-excite siya sa bagong TV project na ito dahil first time na gagawa siya ng action scenes.

Kuwento niya, “After po nito [Video City], siyempre, nagpa-plan kami for the rest of the year. Noong dumating po yung offer for Black Rider, talagang pinag-isipan ko rin po muna kasi, siyempre, matagal na rin akong hindi nagte-teleserye. Puro pelikula kasi ang gusto kong gawin ngayon, and short series or game show po.

“Kaya noong kinuwento po sa akin ni Ruru kung sino po yung Vanessa sa Black Rider, na-excite po ako nang sobra dahil never pa po ako nakagawa ng action kung saan ako po talaga yung kasama sa pakikipaglaban. Nag-training na po ako, nag-motorcycle lessons na po kami, nag-Muay Thai na rin po ako, I go back to the gym, very, very exciting.”

Sa kabilang banda, natutuwa naman si Ruru sa pagtanggap ni Yassi sa proyekto.

Aniya, “Siyempre, di ba, sino ba naman ang ayaw makatrabaho ang isang Miss Yassi Pressman? Sobrang nag-enjoy po kami while shooting this [Video City], and sinabi ko nga sa kanya, 'Sana magkatrabaho tayo ulit.' Then, hindi ko inaasahan na ito agad, so thank you.”