GMA Logo Yassi Pressman
Sources: rurumadrid8/IG and yassipressman/IG
What's on TV

Yassi Pressman, happy at excited para sa upcoming role niya sa 'Black Rider'

By Kristian Eric Javier
Published September 5, 2023 9:38 PM PHT
Updated September 8, 2023 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Yassi Pressman


Para kay Yassi Pressman, isang blessing ang mapabilang at maging leading lady ni Ruru Madrid sa 'Black Rider.'

Happy at excited ang aktress na si Yassi Pressman sa pagbabalik niya sa GMA bilang leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming action drama series na Black Rider.

“I'm very happy, siyempre po, very blessed po, honored din. Kahit ano naman pong trabaho na pinagkakatiwala parang feeling ko lagi po siyang malaking blessing,” sabi ni Yassi sa interview nila kay Lhar Santiago sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras.

Una nang lumabas si Yassi sa Kapuso drama Thriller series na 'Dormitoryo' noong 2013, kasama ang leading man niya ngayon na si Ruru.

Ipinahayag naman ng aktor ang paghanga sa kanyang leading lady, at sinabing talented si Yassi sa kanyang craft, isang bagay na ipinagpasalamat ng aktres.

“It really means so much to me kapag meron akong mga naririnig na ganyan,” sabi nito.

“Siyempre I'm just really trying my best and showing up and kapag na-a-appreciate po ng mga tao, it just makes me feel super fulfilled,” dagdag nito.

KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA 'BLACK RIDER' SA GALLERY NA ITO:

Samantala, binanggit ni Yassi na nagsimula na sila mag-taping para sa serye at “medyo intense” daw ang mga eksenang ginawa nila.

“Pero feeling ko mas marami pa pong kakaiba at bago naman pong hindi pa po nakikita ng mga tao na galing po sa'kin,” sabi ni Yassi.

Kamakailan ay ipinamalas ng dalaga ang motocross skills niya, gun handling, at firing. Nag-post pa nga ito ng mga videos sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi naman ni Ruru na ibang-iba ang makikita ng mga manonood sa Black Rider kumpara sa huling action drama series niya na Lolong, Encantadia, at Sherlock Jr., at pinuri ang dedikasyon ni Yassi sa serye.

“Excited ako du'n sa magiging eksena namin na 'yun. Kita ko si Yassi, even before pa siya mag-start ng taping, nagte-training na siya for this project so sabi ko, ganun siya ka-dedicated dun sa craft,” sabi nito.

Bukod sa Black Rider ay bibida rin ang dalawa sa upcoming film nila na Video City, kaya't nagbigay ng kaunting background ang dalawa sa kanilang mga karakter. Ayon kay Yassi, ang karakter niyang si Ningning ay isang “dreamer.”

“Gusto niya po maging artista. Nakatira po siya sa 1995, nagtatrabaho sa Video City, at lagi po siyang nag o-audition dahil gusto niya po mapabilang sa mga pelikula,” pagbabahagi nito.

Samantala, ang karakter naman ni Ruru na si Han, ay isang film student na napadpad sa 1995, ay inilarawan ng aktor na “sa pag-ibig siya matapang.”

“Willing siyang sumugal, willing siyang magpabalik-balik sa lugar na hindi naman dapat siya nandun,” sabi nito.

Panoorin ang buong interview nila dito: