
Mas pina-level up ang fight scenes kaya level up din ang stunts ni primetime action hero Ruru Madrid sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Ipinasilip niya ang ilan diyan sa isang post sa kanyang Instagram account kung saan ni-recap niya ang busy niyang linggo.
Makikita dito na nakasabit si Ruru habang nakatali at nakaposas pa ang kanyang mga kamay at nakakadena ang kanyang mga binti.
Sa isa pang litrato, makikita namang nakabitin nang patiwarin si Ruru habang walang suot na pang-itaas.
Ibinahagi din niya ang ilang behind-the-scenes photos mula sa parating na episodes ng Lolong: Bayani ng Bayan tulad ng muling tapatan nila ng kaibigan at kapwa Kapuso star na si Jon Lucas.
Bukod dito, nagsingit din siya ng ilang pictures mula sa kanyang personal na buhay tulad ng birthday party ng girlfriend at Sang'gre lead star na si Bianca Umali at pagwo-workout nila sa gym kasama si Kapuso comedian Paolo Contis.
"It's been exhausting, but the past days have been really good!
"To God be the glory!" sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.
Sa ika-pitong linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, susugod si Lolong (Ruru Madrid) sa underground fighting arena ni Julio (John Arcilla).
Makikita na ba niya dito ang sinapit ng mga kapwa niya Atubaw?
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.