
Dumayo ng San Jose, Mindoro si Kapuso actor Ruru Madrid para makasama ang Team Harabas, isang grupo ng content creators na gumagawa ng mga catch and cook videos.
Sa collaboration na ito, layunin nilang makahuli ng malabanos, isang uri ng eel.
"Sa mga hindi pa po nakakaalam kung ano po ang malabanos, naku magugulat po kayo dahil medyo nakakatakot po ang itsura niya. Para po siyang ahas na pagka nakagat ka talagang mahihirapan ka kung papano mo papagalingin 'yun. Still, gagawin pa rin namin dahil siyampre, ayun naman talaga ang ipinunta namin dito bukod sa maka-bonding ang Team Harabas. Siyempre gusto po namin malaman kung ano ba ang buhay nila dito po sa Mindoro," pahayag ni Ruru sa kaniyang vlog.
Pumunta si Ruru at ang Team Harabas sa isang ilog kung saan nangapa sila ng mga butas kung saan nagtatago ang mga malabanos.
Naglagay din sila ng mga paing isda sa mga kawit at ipinasok ito sa mga butas. Ikinabit naman nila ang tali ng kawit sa mga sanga gamit ang putik.
Matapos nito, kailangan nilang antayin na mahulog ang putik para malaman kung nakuha na ng malabanos ang pain.
Habang naghihintay, kumain muna na tanghalian sina Ruru at ang Team Harabas sa tabing-ilog. Pinagsaluhan nila ang liempo, alimango, talaba, hipon, at marami pang iba pagkain sa isang boodle fight.
Matapos kumain, binalikan nila ang mga pain at nakitang nahulog na nga ang putik. Kailangan na nilang hilain ang lubid para mailabas ang malabanos at mahuli ito gamit ang isang sibat.
Nakatakas ang malabanos sa una subok ni Ruru na hulihin ito pero sa pangalawang pagkakataon, matagumpay na nahila at nasibat ni Ruru ang malabanos.
Kitang kita ang tuwa sa kaniyang mukha nang makahuli na ng malabanos dahil aminado siyang nahirapan siya rito.
Source: Ruru Madrid ( Youtube channel )
"Kung iniisip po natin madali siyang hulihin, hindi. Ako, nagwo-workout ako almost every day pero parang 'yun yata 'yung pinakamahirap na buhat ko sa buong buhay ko. Napakabigat, tapos at the same time lumaban pa. Pero 'yung fulfillment nang nahuli mo siya, iba. Hindi matatapatan ng kahit na ano pang klaseng paghuli," pahayag ni Ruru habang ipinapakita ang haba ng nahuling malabanos.
Muling sinubukan ni Ruru na humila ng malabanos sa mismong butas na pinainan niya. Mas gamay na niya ngayon ito at muling nakabingwit ng isa pa.
"First time ko siyang ginawa at parang gusto kong ulitin kasi iba 'yung adrenaline. Iba 'yung saya na na-feel ko right after noong pag-angat ko pa lang. Hinintay namin siya for how many hours. Later, titikman natin kung gaano ba kasarap ang malabanos," lahad niya.
Panoorin ang adventure ni Ruru kasama ang Team Harabas dito:
Samantala, silipin ang summer campaign ni Ruru para sa isang local clothing brand dito: