GMA Logo Ruru Madrid
Source: rurumadrid8 (IG)
What's on TV

Ruru Madrid, ginawang senyales ang 'Lolong' sa kahahantungan ng showbiz career noon

By Marah Ruiz
Published November 5, 2024 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Binalikan ni Ruru Madrid ang ultimatum na binigay niya sa sarili tungkol sa kanyang career.

Aminado si primetime action hero Ruru Madrid na naging pabaya siya noon tungkol sa takbo ng kanyang career bilang artista.

"Hindi [ako] yumabang, pero parang wini-wing ko na lang 'yung mga ginagawa ko. Parang iniisip ko wala nang makakapigil sa akin, na matutupad ko lahat ng pangarap ko kahit na hindi ko na masyadong galingan 'tong mga ginagawa ko," pagbabalik-tanaw niya sa panahong iyon.

"Lagi akong gumigimik, lumalabas ako. Hindi ko masyadong sineryoso 'yung mga ginagawa ko. Nakampante ako," dagdag pa niya.

Naging wake up call daw sa kanya nang maramdaman niyang lumamlam ang kanyang karera.

"Naransan ko eh. Nagpa-plateau 'yung career ko, parang walang nangyayari. Umabot sa point na parang nawalan na ako ng pag-asa. Gusto ko na lang sumuko," kuwento niya.

Nagbago raw ang lahat ng ito nang ipagkatiwala sa kanya ang isang malaking TV project.

Hindi pa niya alam na ito na ang babago sa kanyang buhay, pero ito raw ang ultimatum o last chance na ibinigay niya sa sarili.

"Noong in-offer sa akin 'yung Lolong, 'yun 'yung parang start na okay sige, iisipin ko na lang na itong Lolong na 'to, kung hindi magwo-work 'tong project na 'to, ito 'yung iniisip ko na sign. 'Pag hindi nag-work 'tong Lolong, ibig sabihin, 'yun na 'yung end ng career ko," paliwanag niya.

Kaya naman ginawa raw ni Ruru ang lahat ng kanyang makakaya para sa seryeng ito.

"Kahit na mapilay ako, maaksidente ako, anumang mangyari sa akin, hindi ako susuko basta ang goal ko is maging successful itong project," aniya.

Nagbunga naman ang effort ni Ruru sa serye dahil naging top-rater at 2022's most watched TV show ang Lolong.

Dahil na rin sa tagumpay na ito, magbabalik ito para sa ikalawang season na tatawagin namang Lolong: Bayani ng Bayan.

Source: rurumadrid8 (IG)

Sa pagpapatuloy ng kuwento, gagamitin ng karakter ni Ruru na si Lolong ang kanyang mga kakaibang abilidad bilang isang Atubaw para protektahan ang bayan ng Tumahan.

Kasama ang mga kaibigan, magkakaroon sila ng mga bagong kakampi at mga bagong kalaban.

KILALANIN ANG CAST NG 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN' SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.

Balikan ang unang season ng Lolong dito: Lolong Season 1.